note: gory scene ahead guys, read at your own risk
“HER FANTASY”
"I love your eyes..."sabi ko habang nakatitig dito. She blinked which I loved better.
"Kanina mo pa yan sinasabi e,"tumatawa-tawa niyang sabi. Siya si Emily, bagong kaklase at una kong naging kaibigan.
Half American siya kaya naman maputi at matangkad siya. Dumagdag pa ang kulay luntian niyang mga mata na unang pupukaw sa atensyon mo oras na makita mo siya.
Unfortunately for her, her father abandoned her. Kaya naman hindi na niya ito nasilayan man lang.
"I really love it..."I was about to reach her face when I stop myself.
"Alam mo,kulang ka sa kain. Tara sa apartment ko,may ice cream ako dun,"sabi niya.
I shrugged. "Wala pa tayong isang araw magkakilala niyayaya mo na ako sa apartment mo?"tanong ko.
She just chuckled. "May masama ba dun?Isa pa wala ang ibang tenants doon,nasa trabaho. We can scream anytime we want to,"sabi niya pa saka itinaas sa ere ang kamay niya.
I smiled and sighed. "Okay,sabi mo e,"sabi ko saka pulot ng bag ko. Ipinatong ko lang ito sa balikat ko.
----
Walking with Emily is fun. Madaldal kasi siya. Sa sobrang daldal niya,hindi na ako nakapagsalita at panay ngiti o tango nalang.
Finally, after just 10 minutes, nakarating na kami. Pagbukas niya ng unit niya,dali dali siyang umupo sa mini couch niya.
Hindi naman ganoon kalaki ang unit niya,wala din masyadong gamit. Malinis din siya at napakakomportable sa paningin.
"Emily,"I called out.
"Hm–"pagkalingon niya,agad kong hinampas ang vase sa ulo niya dahilan para mabasag ito at mapaupo si Emily.
Hindi ko napansing hawak ko na pala ang vase. Magkano kaya yun?Di bale na. The prize in front of me is priceless.
Napahawak si Emily sa noo niya kung saan ko siya tinamaan. Mukhang hilong hilo pa siya. Ayos na din, nasa kontrol ko na siya.
Hindi naman ako nagtagal na itali siya sa upuan dahil hindi siya makakilos. Available na din naman ang mga kailangan ko sa unit niya.
Siguro,itinadhana talaga itong mangyari.
Naglakad lakad muna ako bago tumigil sa harap ng ref saka binukas ito. Hindi maitatangging may kaya ang pamilya ni Emily sa mga supplies na ipinapadala sa kanya.
Pero ang nagpatigil talaga sa akin ay ang lemonade sa pitsel.
Gusto ko non.
Pero may gusto akong idagdag.
Kinuha ko ito saka kumuha ng baso sa kusina. Nagsalin ako sa baso saka bumalik kay Emily. Inilapag ko ang lemonade sa mesa saka hinarap siya.
"F-Freya... bakit?"naguguluhan at kinakabahan niyang tanong.
"I love your eyes..."sabi ko saka inilapit ang kamay ko sa mata niya. Napapikit siya bago ko ito tuluyang mahaplos kaya talukap lang ang nahawakan ko.
"I want your eyes to be the ice on my lemonade. I want to taste it so bad..."sabi ko saka idiniin ang kamay ko sa mata niya dahilan para mapasigaw siya at pilit na kumawala.
I lost a grip on her eye. Sa sobrang inis ko ay pinukpok ko ng panibagong plorera ang ulo niya kaya muli siyang nanghina.
Yun lang pala e.
I forcefully open her left eye. Hindi ko napigilang mapaismid nang makita ang takot dito. Isang emosyong gustong-gusto kong masaksihan.
Gamit ang isa kong kamay ibinaon ko ang aking kuko sa taas ng mata niya kaya napasigaw siya. Ipinagpatuloy ko ito hanggang sa makapa ko ang likuran ng mata niya.
Malapot at madulas. Iyan ang nararamdaman ko habang nasa loob niya ang aking daliri. Pinakiramdaman ko muna ito bago magpasok ng panibagong mga daliri at tuluyang putulin ang koneksyon ng mata niya sa bahagi ng katawan niya.
Walang humpay na sigaw ang narinig ko. Walang tigil ang waring pagluha niya ng dugo. Mas lalo akong na turn on. Gusto ko pa ng isa.
Wala pang ilang minuto ay nasa kamay ko na ang mga bilog,maugat at madudulas na mata ni Emily. Siya naman ay lumupaypay na dahil sa takot at walang humpay na pag-agos ng dugo mula sa butas na dating kinalalagyan ng mata niya.
Muli akong napatingin sa mata. Nakakatakam ang hitsura nito. Kaya naman ay dinilaan ko ang isa dito. Napangiwi ako dahil sa lansa nito. Baka mawala iyon kapag nilagay ko na sa lemonade ko.
Kinuha ko ang lemonade at hinulog doon ang dalawang mata. Nagiba ang kulay nito dahil sa dugo. Napalunok ako.
Tinikman ko ito. Hindi ko mawari ang lasa. Pero nagustuhan ko ito.
Sobrang gusto na gusto ko pang umulit uli.
------
BINABASA MO ANG
Random Oneshots
RandomHello! These are the oneshots I made which were most from my Facebook account so if you want to read them there, please, feel free. This is my fb acc btw: Ethereal Talitha Lesouvage Kat's Note: Some contain disturbing scenes so read my notes!