“BINUGBOG AKO NI CRUSH”
Napasilip muli ako mula sa pader na mahigit kalahating oras ko nang tinataguan. Nandoon siya nakaupo.
Meet Xyrelle, the campus' top achiever. And me Adam,as campus' nobody.
Nasa kanya na ang lahat. Ganda...talino... maswerte ang kung sino mang magiging boyfriend niya.
Muli akong nagtago ng bigla siyang tumayo mula sa bench. Sumilip ako ng konti at nakitang papaalis na siya.
–––
Kalahating oras na akong nakasunod sa kanya. Nakatago sa bawat puno,poste,kotse o pader na makikita ko. Gusto ko lang malaman nasaan siya nakatira.
Sumilip akong muli ngunit nagtaka nang mapansing wala na siya doon.
Kainis. Did I lose her?
"Sabi na may sumusunod sa akin 'e. Magnanakaw na 'noh?"nanlaki ang mata ko saka dahan-dahang lumingon sa likod ko. Naestatwa ako ng malamang nandoon nga siya.
Pa'no–
"A-A-Ako–"natigil ako ng bigla niyang sinipa ang aking kayamanan. Paimpit akong sumigaw saka napahawak dito.
"Groin Kick 'yan," Ano daw?
Hindi pa ako nakaka-recover nang suntukin niya ang ilong ko kaya naman halos mamanhid ito at tumulo ang kaunting dugo mula dito.
"Heel palm strike,"
"S-Sandali, this is a mis–"Hindi nanaman niya ako pinatapos nang tumalikod siya at siniko ako sa tiyan kaya napaungol ako sa sakit.
Sh*t.
"And that's back elbow strike. Next time kasi,kikilalanin mo bibiktimahin mo ha?"
Nasabi ko bang swerte magiging boyfriend niya?I take it back.
-----
BINABASA MO ANG
Random Oneshots
AléatoireHello! These are the oneshots I made which were most from my Facebook account so if you want to read them there, please, feel free. This is my fb acc btw: Ethereal Talitha Lesouvage Kat's Note: Some contain disturbing scenes so read my notes!