“HOW PSYCHOS FELL INLOVE”
«CaseOne: Competition»Warning: Contain disturbing scenes.
I am Rhiane. And I love to kill. Actually, thats my passion. Yung sinasabi nilang "calling".
I can easily lure people. I can easily kill them. For me,killing is an art. Depending on how will you kill someone.
Akala ko ganon lahat.
Not when I met Brian.
"I know who you are,"bulong niya sakin nang magkasalubong kami sa may hallway. Nangalaiti ako but I kept my poise.
Mabigat ang paghinga kong nilampasan siya sa paglalakad.
Hindi ko alam paano niya nalaman ang ginagawa ko. Pero hindi na niya mapapakalat pa iyon.
***
Ngingiti-ngiti ako habang nagnanakaw ng tingin kay Brian.
Nasa loob ng bag niya ang isang kutsilyong maingat kong nilagay kanina noong wala siya. Oras na umupo at sumandal siya,tatagos sa kanya ang kutsilyo.
Nagkunwari akong nagbabasa para di niya mapansin. Nakita kong lumapit siya sa upuan niya. Uupo na sana siya nang tumigil siya saka binukas ang bag niya.
Nakita ko ang pagngisi niya habang kinukuha ang kutsilyo. Napakuyom ako ng palad. Hindi pa ako tapos.
***
Tingnan natin ngayon kung di ka pa mamatay pag sinagasaan kita ng napakalakas.
Hawak ko ang manibela habang kinakalkula ang pagtawid niya sa pedestrian lane.
Nang nagsimula siyang maglakad ay pinaandar ko ang sasakyan ng napakabilis. Para malakas ang impact.
Kaso nang makalampas ako sa pedestrian lane,ay wala akong nasagasaang kahit ano. Pagkalingon ko sa likod,bumalik pala siya dahil may nahulog siyang papel.
Naikuyom ko uli ang palad ko. Kainis!Mapapatay din kitang impakto ka!
*Beep beep*
"Nakaharang ka sa daanan hoy!"sigaw ng isang driver sakin kaya naman inis akong nagmaneho pabalik.
***
"Try harder Ms. Psycho,"bulong niya nang magpartner kami sa isang science experiment. I decided to pull off a trick again by adding a chemical to another one for a violent chemical reaction.
Medyo mahirap pero pinag-aralan ko itong mabuti.
Aalis na sana ako nang bigla niyang hapitin ang bewang ko. "Bakit iiwanan mo agad ako?Ayaw mo bang pareho nating panoodin ang bago mong trick?"biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Marahil ay dahil sa galit ko sa kanya.
Paano na naman niya nalaman iyon!Nakakainis talaga!
***
Hindi ko naituloy ang huli kong ginawa dahil kasama akong mamamatay pag ginawa ko iyon. Napakahigpit kasi ng hawak niya. Alam niya ang balak kong gawin.
Pero sinisigurado kong ngayon ay hindi na.
Nalaman ko na may admirer pala si Brian,si Diane,isa sa kaklase ko. At kahit na wala siyang interes dito ay inientertain pa din niya ito.
Kaya naman,pasimple kong nilagyan ng lason ang ibibigay niyang pagkain kay Brian. Siguradong hindi na niya tatanggihan–
"Akin na to ah,papakain ko sa aso namin. May baon na kasi ako. Share nalang tayo?"
***
Bwisit talaga! Ano bang uri ng swerte meron ang lalaking yun!Lahat nalang ng pagtatangka ko naiiwasan niya!
Mapapatay ko din siya. At sisiguraduhin kong magsisisi siya.
"Rhiane, have the angel face but with the darkest intentions..."nanlaki ang mata ko nang marinig ang boses na iyon. Napalingon ako sa likod at nakita si Brian.
What the hell?! Bakit nandito siya sa tapat ng locker ko?
"A-Anong kailangan mo?"nahihiyang sabi ko. Syempre arte lang yan. Gusto ko na ngang laslasin siya ng harap ko kung may kutsilyo lang akong dala.
He smiled. "Hindi mo na ako maloloko."Nilapit niya ang mukha niya sa akin dahilan para mahirapan ako sa paghinga. "Alam ko ang sikreto mo..."sa sobrang lapit niya sa mukha ko ay naaamoy ko na ang hininga niya. Ang...bango. Amoy almonds.
Napalunok ako. "T-Tapos?"
"You're clever. But I'm more clever."
Hindi ako nakakilos nang bigla niya akong halikan. Kinagat niya ang ibaba kong labi saka ipinasok ang dila niya sa akin. May pagmamadali sa kilos niya.
Napahawak ako sa batok niya. Hindi ko alam bakit ako nadadala. Basta gusto ko siya.
Sandali,ano ba itong iniisip ko?!
Bumitaw siya sa akin. "P-Potassium cyanide..."sabi niya saka napaluhod.
Nanlaki ang mata ko sa narinig.
"I-Ikaw..."
"Let's die together,shall we?"
-----
BINABASA MO ANG
Random Oneshots
AcakHello! These are the oneshots I made which were most from my Facebook account so if you want to read them there, please, feel free. This is my fb acc btw: Ethereal Talitha Lesouvage Kat's Note: Some contain disturbing scenes so read my notes!