36: WE'RE NOT MEANT FOR EACH OTHER, MY LUNA

7 3 0
                                    

“WE'RE NOT MEANT FOR EACH OTHER‚ MY LUNA”

"I love you,"

"I love you too,"

She held my hand and slightly pinched it. Pareho kaming nakatingin sa langit. It was a starless night, but there is something shines more than the stars in the sky.

The moon.

I wish this could last. Her...and I.

But I know it won't.

"Uuwi na ako,"paalam niya saka tumayo. Tumayo na din ako.

"Hatid na kita,"I offered but she shook her head.

"Hindi na. Magagalit na naman sina mama pag nakita tayong magkasama,"malungkot niyang saad. I smiled bitterly then nodded.

"Take care,"I said that made her smile. She waved on me then left.

---

"Ginabi ka na naman,"may bahid ng inis ang tono ni mama.

"Sorry po,"sabi ko saka nagpatuloy maglakad papuntang kwarto.

"Sigurado namang nakipagkita na naman yan sa girlfriend niya e,"singit ni kuya na inirapan ko. Epal talaga, tsk.

"Hindi ba sinabi na namin sayong hiwalayan mo na yan? For God's sake naman anak, ayaw nung pamilya sayo pinipilit mo pa,"nagpatay malisya ako sa sinasabi ni mama. Paulit ulit lang naman e.

"Tip to self, ilayo na si gf dahil baka agawin din ni lil sis,"singit na naman ni Kuya kaya inirapan ko ulit siya.

"You're not helping kuya,"inis na sabi ko sa kanya saka bumaling kay mama. "Akyat na po ako,"sabi ko saka umakyat na.

"Sinasabi ko na sayo, oras na magkita pa kayo bukas hindi ka na makakalabas ng bahay,"

----

"Pinagalitan na naman ako Zianna,"she said then pouted. I smiled then pinched her nose.

"Gaga, ako din kaya,"sabi ko saka tumawa. Umupo na ako sa may rooftop ng school.

"Tingin mo dapat tumigil na tayo?"

"Sumusuko ka na?"

"Hindi naman. Kasi, tutol yung mga magulang natin sa atin. Hindi nila tayo tanggap. Anong gusto mong gawin ko?Magrebelde sa magulang?"

Natahimik ako sa sinabi niya. Ano nga bang silbi ng mahal namin yung isat isa kung tutol naman lahat?

"Wag ka muna sumuko agad please?Matatanggap din nila kapag nakita nila na mahal natin ang isat isa,"I assured.

Napayuko siya saka nanatiling tahimik.

"Sabi ko na nga ba, hindi ka titigil sa pakikipagkita kay Steffany, Zianna,"

"Kuya?!"

----

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo Zianna?! Ayaw nga nila sa atin, wag mong ipagsiksikan yung sarili mo sa babaeng yun!"

"Ma naman!Naniniwala ka kay Kuya?!"

"Sumasagot ka na sa akin?Yan ba yung epekto nung babaeng yun sayo?!"

"Ma please..."

"Lilipat ka na ng school. Hindi ka na magpapakita kay Steffany!At eto!"kinuha niya yung phone ko. Pinilit ko itong abutin pero hinawakan ako ni kuya.

"Hindi mo na to makukuha,"

"Ma!Bakit kailangan mo kaming pigilan?!Wala naman kaming ginagawang masama ah!"

"Sumusuway kayo sa amin!Hindi masama yun?!Ngayon doon ka na sa kwarto mo!"

Huminga ako ng malalim para pigilan ang galit ko saka padabog na umakyat papuntang kwarto. I hugged my pillow and prevent myself from crying.

Maybe we just aren't meant for each other...

Damn.

----

Random OneshotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon