“PHILOPHOBIA(PART II)”
"Aly–"
"Lumayo ka sakin. Please."natigil ako nang bigla nalang akong pigilan ni Alyssa. What's wrong? Okay naman kami kahapon ah.
"A-Ayoko ng nararamdaman ko..."nakayukong sabi niya. Saka ko napagtantong umiiyak pala siya.
Sinubukan ko siyang lapitan. "What happe–"I stop when she suddenly freak out. She yelled and pushed herself in the corner. She hugged her legs while crying silently.
I mentally cursed myself. Ako na naman ba? Hindi na nga niya ako maalala kasalanan ko pa din na nagdurusa siya.
"Ayoko na sayo!You planned this all along haven't you?You want me to...do that. And it worked...now...now..."wait ano?do what?
"Alyssa...tatawagan ko si tita Jane okay?"sabi ko saka inilabas ang cellphone ko. Sabi ni tita, pag nagpanic attack daw si Alyssa, siya ang dapat kong tawagan.
"How did you know my mom's name?!How did you?!"
"Alyssa...calm down please..."
"No!I won't!You made me do what I feared the most. Ano masaya ka na kasi okay na, nagawa mo na?!"
Now everything is clear to me. I accidentally did what she feared the most. Falling in love. She's damn in love with me.
"If that's freaking you out I can let you hold my hand–"
"Ayoko!Lumayo ka!Ayoko sayo!"God please, don't let me cry in front of her.
"What's wrong with being in love Alyssa?"
"Don't you dare say those words Adrien,"I smiled bitterly. Finally, she mentioned my name. Galit nga lang siya.
"What?In love?Bakit natatakot ka?Kasi takot kang masaktan?Takot kang magcommit sa ibang tao tapos iiwan ka din pala?Takot kang mangako sila tapos hindi pala matutupad?"
Tinakpan ni Alyssa ang tenga niya saka nagsisisigaw. "Tama na! Please!"
Hindi ko pinakinggan ang pagmamakaawa niya. She needed to hear this. "Natatakot kang mainlove kasi yung masamang bagay lang tinitingnan mo. Kapag nasaktan ka wala na, tapos na. Pero yung mga alaala na nasa una, masaya pa din naman ah?Saka kung hindi siya ang para sayo, bat ka magmumukmok e may iba pa naman?Lesson learned, another lesson to be learned. Part ng pagmamahal ang masaktan. Part ng buhay ang sakit, kaya anong pinagkaiba nun sa pagiging in love?"
"Hindi mo naiintindihan! Natatakot ako, pero hindi ko alam kung bakit. Pero mas natatakot ako na pag nalaman ko, mas malala pa ang dadanasin ko,"
Napakagat labi ako. Malamang pag nalaman niya back to start na naman kami.
"Why not just give it a try, Alyssa? Nandito naman ako. Sabay nating harapin yung takot mo,"
Umangat ang tingin niya sa akin kaya nakita ko ang pamamaga ng mata niya kaiiyak. Namula din ang ilong niya dahil sa kaiiyak.
"Hindi ko alam..."
"Just give it a try, please?"sabi ko saka inilahad ang palad ko sa kanya. Nakita ko ang pag-aalinlangan sa mukha niya. Matagal din siyang nag-isip kaya medyo nangalay na ako.
Sa huli, bumuntong-hininga siya saka tinanggap ang kamay ko.
"Sige,"
----
BINABASA MO ANG
Random Oneshots
RandomHello! These are the oneshots I made which were most from my Facebook account so if you want to read them there, please, feel free. This is my fb acc btw: Ethereal Talitha Lesouvage Kat's Note: Some contain disturbing scenes so read my notes!