19: FOOD

16 2 0
                                    

"FOOD"

Warning: May contain disturbing scenes. Contains death and torture. Read at your own risk. 

"Alam niyo,ang sasama niyo. Lahat nalang ng hayop kinakain niyo,"sabi ni Alessa habang naka crossarms. Nginitian lang siya nila Jake at Hansel.

"Nakatadhana silang kainin,Alessa. Ginawa sila para sa atin. Kagaya natin, ginawa tayo para sa isat isa,"biro ni Jake habang kumakain ng niluto nilang adobong uod.

Napangiwi si Alessa habang tinitingnan ang dalawa na kinakain ang puti at matatabang uod habang may mga lumalabas pang katas mula dito. Iniluluwa nila ang ulo sabay subo sa kanin.

"Oo,ginawa sila para sa atin pero hindi para kainin,"pairap na giit ni Alessa. Simula bata pa kasi ay namulat na siya sa ideyang ito kaya ang pamilya nila ay kilala na sa pagiging vegetarians.

"Alam mo pare,wag ka nang makinig diyan. Mawawalan ka lang ng gana,"sabi pa ni Hansel habang sunod sunod ang pagsubo at talagang ninanamnam pa ang kanyang exotic na ulam.

"Siya nga. Hoy Alessa,ikuha mo naman kami ng maiinom,"utos pa ni Jake.

Huminga ng malalim si Alessa bago tinungo ang kusina.

'Babalik sa inyo ang karma,'sabi pa niya sa isip.

Labag man sa loob ay hinainan niya ng isang pitsel na juice saka baso ang dalawa. Oras na matapos nito ang pagkukumpuni ng kanilang lababo ay aalis na din naman ang mga ito.

Mabilis naman na ininom ng dalawa ang juice,marahil dahil sa sunod sunod din ang kanilang pagsubo ng kanin at ulam. Ngunit wala pang ilang minuto ay nakaramdam na ng pagkahilo ang dalawa at nakatulog kalaunan.

---

Nagising sina Jake at Hansel na nakatali ang kamay at paa. Nakatape din ang kanilang mga bibig. Nasa isa silang hukay at tanging puno lang ng acacia ang kanilang nakikita. Medyo may kahirapan sila sa paghinga dahil sa lalim ng hukay. Natatakpan ng puno ang kinang ng buwan at mga bituin. Mukhang ginabi na sila.

Pero paano sila napunta sa isang hukay?

"Malaya niyong magagawa anuman ang naisin niyo mga kaibigan. Maghiganti kayo sa mga kaibigan nating nawala."napaigtad sila nang marinig ang isang boses. Galing sa taas ng hukay!

Nakikilala nila ang boses na iyon. Si Alessa!Pero sino ang kausap nito?

Sa wakas ay nakita na nila ang pigura ni Alessa na sumilip mula sa hukay. Nagkaroon sila ng pag-asang maililigtas pa sila.

Yun ang akala nila.

Mula sa taas ng hukay nakita nilang may itinapon si Alessa sa kanila mula sa isang timba. Nang bumagsak ito,napagtanto nilang mga uod ito!

Ibat ibang klaseng uod ang sa kanilay gumapang. May maliit,malaki,mahaba,maikli,manipis at mataba. Iba iba din ang kulay ng mga ito,may puti,itim,pink at pula. Pilit silang nagpumiglas habang pinapasok ng uod ang kanilang mata,ilong,bibig at tenga. Nakapasok din ang iba sa ilalim ng damit ng dalawa kaya naman maging ang maselang bahagi ng kanilang mga katawan ay napasukan.

Impit na sigaw nalang ang ginagawa ng dalawa habang piilit na ipinapasok ng ibang uod ang kanilang sarili sa balat ng dalawa.

Samantala,nakangising pinapanood lamang sila ni Alessa. Kinuha niya ang pala at sinimulang tabunan ang dalawang hinang hina na.

Nasiyahan siya sa nakita,nakapaghiganti na ang kanyang mga kaibigan,nagkaroon pa sila ng pataba sa lupa.

------

Random OneshotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon