29: THE CHANGER

7 3 0
                                    

“THE CHANGER (An Excerpt)”

"Ezekiel?"napalingon ako nang marinig ang pamilyar na boses.

"Tito!"puno ng gasgas at dumi si tito. Ano bang nangyari? Bakit kasi kami nagkahiwa-hiwalay?!

"Y-Yuki..."nanghihinang sagot ni Tito saka napahawak sa puno.

Nagpantig agad ang tenga ko. Ano nangyari kay Yuki mylabs?!

Ezekiel naman!Mamaya na landi!

"Daimon...he triggered her. And now, the whole area will collapse in no time,"patay. Hindi pa naman kaya ni Yuki kontrolin ang kapangyarihan niya.

Pinilit tumayo ni Tito ng maayos. "I'll go save her,"

"Sasama ako,"

"You won't go Ezekiel. Find Eugene and Klea,"

I shook my head. "Tutulong ako Tito. I want to save Yuki too!"

"As stubborn as your mom..."

Huh?Hindi ko yata naintindihan iyon. Di bale na,

"Tito,mahal ko si Yuki. And I won't let her die and us die too! Please..."

Nakita ko ang pagbuntong hininga ni Tito. "Fine. Follow me,"saad pa niya saka nagsimula maglakad.

Sumunod lang ako kay Tito saka pinagmasdan ang paligid. Sira na ang lahat. Nagbagsakan ang mga puno...ang gulo.

Dapat asahan ko na to. Death game ang pinasukan ko. Pero hindi ko kayang isipin na may mawawala nanaman sa amin.

Lalo na si Yuki.

Nawala na si Thalia sa amin, hindi pwedeng siya din.

Napatigil ako ng makatapak ang kanang paa ko sa quicksand. Nagising ako sa reyalidad nang sumigaw si Tito.

"Hide! Quick! On that tree!"sigaw niya habang walang tigil sa pagsummon ng bato dahil napapalitan iyon ng ilang bagay kaagad.

Nakita ko si Yuki, nakalutang ang paa at ang buhok...at nagliliwanag ang mata niya. Wala siyang emosyon. Walang kahit ano. Maging kontrol.

Napakalakas ng kapangyarihan ni Yuki. Nakakalungkot lang na nagkakaganito siya ngayon.

Nakita ko si Tito na nasa tabi ko at nakakapit sa nag iisang puno na nakatayo. Napakalakas ng hangin kaya kung bumitaw kami ay matatangay agad kami. Patuloy na nagpapalit ang bawat bagay sa paligid. Maging ang temperatura, ang kinatatayuan namin, minsan buhangin, minsan madamo, minsan maputik.

Kung hindi kami magmamadali, tuluyang masasakop si Yuki ng sarili niyang kapangyarihan at...

Hindi. Hindi.

Pakakasalan ko pa siya. Hindi pwedeng maaga siyang mawala.

"Here is the plan. I'll distract her while you cover her eyes,"utos ni Tito kaya dali-dali akong tumango at nagsummon ng bow and arrow at tali. Itinali ko ang dulo nito saka itinira papunta sa isang pader. Mabuti nalang at kumapit ito. Itinali ko naman ang kabilang dulo sa puno na kinakapitan namin.

"Mag-iingat ka po Tito,"sabi ko. He nodded then tap my shoulder.

"Go!"he shouted and continually summon rocks as his shield. Ako naman ay nagsimula nang lumakad habang nakakapit sa tali.

But the floor turned into an ocean drowning everything. Nakasummon si Tito ng boulder para may patungan. He seem tired. Hes using power since then.

Lumubog na din ako at ang punong kinakapitan ng tali.

"Shit!Shit!"sabi ko habang pilit inaabot ang pader kung nasaan ang kabilang dulo. Bumalik sa putik ang sahig kaya naman ay napuno ako ng putik. Mabuti na din dahil nakalapag din ako sa lupa.

Pero masama din pala. Dahil malapit na ako kay Yuki,nakuha ko ang atensyon niya.

Parang nagslowmo ang paligid. Unti-unti kong pinikit ang mata ko. Akala ko katapusan ko na. Pero biglang sumigaw si Tito.

"YUKI! DON'T YOU DARE DO ANYTHING TO MY SON!"nagulantang ako sa isinigaw ni Tito. Nanghihina na talaga siya. Mabilis na lumipat ang atensyon niya kay Tito...kaya naman biglang nagbago si Tito at naging bato.

Malabo man ang lahat, inuna ko ang dapat. Mabilis kong tinakpan ang mata ni Yuki dahilan ng pagkahimatay niya.

Napaupo ako at bumagsak si Yuki sa bisig ki.

Tumulo ang luha ko nang makita si Tito na naging bato, sa lugar na tuluyan nang hindi maipaliwanag, kay Yuki na naging ganito,at dahil sa nadagdagan na naman ang tanong sa isipan ko.

---

Kat's Note: Galing ho ito sa story ko sa isa kong acc, forever1429. Hindi na po natapos kasi nakalimutan ko pass huhu but you can check out My Manliligaws and Me, saka yung iba pa :))

Random OneshotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon