49: PHILOPHOBIA

19 3 0
                                    

"PHILOPHOBIA(PART I)"

Ano nga ba ang love?Nakakain ba iyon?  Gaano ba kahalaga ang pagmamahal? Masaya ba yun?

Hindi ko alam at ayokong alamin.

As usual, naglalakad na naman ako sa hallway. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kakain ba, magbabasa o matutulog. Basta naglalakad ako.

Madaming tao ang nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit. Hindi kaya na in love sila sa akin?

Bumilis bigla ang paghinga ko saka nagmamadaling pumunta sa bench para magtago. Umupo ako saka pumikit at huminga ng malalim.

Hindi naman siguro. Hindi sana.

"Miss okay ka lang?"

"Please, wag kang mahuhulog saken,"sabi ko saka tumakbo papunta sa likod ng puno at nagtago. Sinilip ko siya at naabutan siyang tumatawa.

"Di ko alam na joker ka pala Miss. Oras pa kasi ng klase, baka makita ka ng guard,"sabi nung lalaki. Napakunot ang noo ko. Bakit niya sinasabi lahat ng to?I-Inlove na ba siya sa akin?

Bumilis ang tibok ng puso ko at napaupo dahil sa hirap ng paghinga. Hindi to pwede...

Lalapitan sana ako ng lalaki ng umatras ako papalayo. "Kung mamahalin mo lang din ako, lumayo ka na! Please!"pagmamakaawa ko habang umiiyak.

Hindi na siya lumapit pa. "Eh kung mahalin nga kita?May masama ba dun?"tanong niya.

"Wag please...ayoko..."nahihirapan na talaga akong huminga dahil sumisikip na ang dibdib ko. Muli niya akong dinaluhan. Sinubukan kong makaatras pa pero nabuhat niya na ako.

"Oo na Miss. Hindi na ako maiinlove sayo. Pero sana naman, hayaan mong tulungan kita,"

----

"–kailangan siyang bantayang mabuti. Baka may nangyari sa kanya noon na nagdevelop ng takot niya sa fact na inlove siya."

"Doc, ano po bang tawag doon?"

"Philophobia,"

Dahan dahan kong idinilat ang mata ko at naabutan ang lalaki kasama ang isang doctor. Nang makita nilang gising na ako, nagpaalam na ang doctor na umalis.

"Buti naman gising ka na. Okay ka na ba?"agad niyang tanong saka umupo sa stool katabi ng kama na hinihigaan ko.

Tumingin ako sa malayo. "Di mo na dapat ako inantay pang gumising,"saad ko.

"Ganyan ba talaga ang sasabihin mo matapos kitang ihatid dito?"

"Hindi ko hiningi yun,"

"Naranasan mo na bang mainlove?"he asked so I shot a glare at him.

"Utang na loob, wag mong mabanggit banggit ang salitang yan,"

"Gusto ko lang namang malaman,"sabi niya saka yumuko.

Muli akong tumingin sa bintana. "Hindi ko alam. At ayokong alamin,"

"Natatakot ka pero hindi mo alam bakit?Di mo man lang ba sinubukang alamin?Baka sakaling mawala–"

"Lumayas ka na,"

"I'm sorry. Nag-aalala lang ako–"

Tinitigan ko siya sa mata. "In love ka sakin?"I asked.

Tinapatan niya ng matalim na tingin ang tingin ko. "Kung mahulog nga ako sayo?"

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko kaya napagpasyahan kong ilayo ang tingin ko saka pumikit na lamang.

"You stand no chance mister. I won't be doing the thing I fear the most,"

This time dumilat ako at tumingin sa kanya. "Isa pa, kakakilala lang natin diba?"

-----

"Anong katarantaduhan to?"sabi ko saka tumingin sa taong nakasandal sa gate ng bahay namin. Sa tapat niya nakaparada ang sasakyang gamit niya.

Oo. Siya ang lalaking nagdala sa akin sa clinic.

"I thought you need a ride. I can give you one,"he said then winked. Ew.

I frowned. "No thanks,"then I rolled my eyes.

"Sure?Mainit pa naman. Baka mahirapan ka ulit na huminga,"sabi pa niya.

"I can commute. You can go,"I said in monotonous tone.

"Kahit kailan, ang tigas parin ng ulo mo,"ewan ko sa binulong niya pero wala talaga akong pake.

Binuksan ko na ang payong ko saka iniwan siya. Bahala siya sa buhay niya.

Maya-maya, napansin ko ang sasakyan niyang mabagal na sumusunod sa akin.

Bumukas ang bintana nito at tumambad ang lalaki na nagdadrive. "Sakay na,"

"No,"

"Please?"

"No,"

"Mangungulit ako,"

"I don't give a damn,"

"Please Alyssa–"

Bigla akong tumigil at napatingin sa kanya. "How did you know my name?"ngayon ko lang din narealize, alam niya ang address ko.

Tumigil din ang sasakyan niya. "Dapat matuwa ka nga e. Ang gwapo ng stalker mo,"

"Tch,"saka nagpatuloy na ako sa paglalakad

"Alyssa please. Hindi na ako mangungulit basta pumayag ka nang ihatid kita. Kahit ngayon lang,"

---

Scam.

Matapos kong payagan ng isang beses, araw araw pa ding nangungulit. Sumasabay sa pagkain sa table ko, nakikibasa ng libro sa library pag nagbabasa ako, hinahatid sundo ako at kahit anong maisipan niya makulit lang ako.

Nung una, inis na inis ako sa kanya. Pero habang tumatagal, medyo nasasabayan ko na siya hanggang sa naging masaya na akong kasama siya.

Hindi na nagiging buo ang araw ko pag hindi niya ako kinukulit.

Oh my gosh. In love na ba ako?

Hindi to pwede.

----

Note: Philophobia is the intense and irrational fear of falling in love or forming emotional attachments with others. Individuals who experience philophobia may avoid romantic relationships and may feel anxiety or distress at the thought of love or intimacy. This phobia can significantly impact a person's social life and emotional well-being.

Random OneshotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon