38: CRP

10 3 0
                                    

"CRP"

Warning: Contains death and gore scenes. Read at your own risk.

"Tapos alam mo bes, mahilig din siya sa mythologies! Feeling ko meant talaga kami for each other,"kinikilig na sabi ni Madison habang nagkukwento kay Adelaide, best friend niya.

Tipid lang na nakangiti ito habang patuloy sa pagkukwento si Madison.

"Alam mo bes, magjowa ka na din kasi para hindi ka mapagiwanan,"pagpursigi ni Madison sa kaibigan.

"Nah. Okay naman ako sa ganito. I don't like commitments anyway,"sagot ni Adelaide saka uminom ng juice.

Inilabas ni Madison ang phone niya saka chinat ang boyfriend niya sa rpw, si Kiev Austin Fortaleza. Kinikilig pa ito habang inaantay sumagot si Kiev.

"Alis na ako bes,"biglang paalam ni Adelaide.

"Ha?Gusto ko pa naman maabutan mo si Kiev,"sabi ni Madison saka nagpout.

"H-Hindi na. Mauna na ako,"sabi niya saka umalis na agad. Walang nagawa si Madison kundi mag-antay at wala pang limang minuto, nagchat na si Kiev.

Kinagabihan.

Alas dose na ng gabi pero nanatiling gising si Madison habang nakikipagusap kay Kiev. Hindi siya nabobore,dahil ang dami nilang topic magkasama.

Hanggang sa naisip ni Madison na makipagkita na dito. Oo, nag-aalangan siya. Dahil baka magaya siya ng mga napapabalita sa tv. Yung ninanakawan o ginagahasa.

Pero mas nanaig ang curiousity niya.

Noong una ay hindi pumayag si Kiev makipagkita. Pero pinilit ito nang pinilit ni Madison hanggang sa mapapayag niya.

Pagkatapos, natulog na siya.

----

"Adelaide? Bakit ka nandito?"gulat na gulat si Madison nang maabutan ang kaibigan sa lugar kung saan siya makikipagkita kay Kiev.

"Uhm..."Adelaide decided not to speak. Wala din siyang maisip na idadahilan.

"Nakita mo si Kiev?"tanong nito saka inikot ang paningin.

"Walang ibang taong dumating maliban sa atin Maddy,"

"K-kung ganon hindi ako sinipot ni Kiev..."saka napayuko siya.

"Hindi Maddy, sinipot ka niya,"muling nag-angat ng tingin si Madison.

"Eh nasaan pala siya?"

"N-Nasa harap mo,"

"Ha?"biglang nagsink in sa sistema ni Madison ang lahat.

"Ikaw si Kiev?"hindi makapaniwalang tanong niya. Mahinang tumango si Adelaide.

"I-Im sorry–"

"Niloko mo ako!"kusang tumulo ang luha ni Madison.

"K-Kaya pala alam mo ang gusto at ayaw ko...kaya pala parang kilala mo ako...kasi kilala mo talaga ako!"

"K-Kasi naman ang lungkot mo nung naghiwalay kayo ni Darwin, kaya naisip ko na m-mag...crp,"

Umiling si Madison. "Hindi pwede yun...sinungaling ka...niloko mo ako!Minahal ko si Kiev–"

"Mahal mo ako?Talaga?M-Maddy ako din–"

"Si Kiev ang minahal ko!At ngayon, nawala na yun lahat. Lalo na nung nalaman ko na best friend ko pala yung boyfriend–girlfriend–aish!Niloko mo ako Adelaide!Ano bang kasalanan ko?!"

"Ginusto ko lang pagaanin yung loob mo k-kasi mahal kita–"

"SHUT UP!Malinaw na ang lahat sa akin. Niloko mo ako and that's final!"bigla nalang napasalampak sa sahig si Madison nang hampasin siya ni Adelaide ng malaking martilyo sa ulo.

Dahil dito nagkacrack ang bungo ni Madison at lumabas ang masaganang dugo mula dito.

"Wala kang kwenta!Minahal din naman kita ah!Kaya ko nagawa yon!Pero makitid ang utak mo!Kaya ayan!Dapat lang sayo yan!"sabi niya habang pinaghahampas ng malaking martilyo ang mukha ni Madison. Lumuwa ang kanang mata ni Madison at halos tuluyan nang madurog ang bungo niya. Nagtalsikan ang dugo at laman niya. Hindi na makilala ang mukha ni Madison.

At sa huling paghampas ni Adelaide tuluyan nang nahulog ang isang mata ni Madison. Ibinagsak niya ang martilyo sa katawan ni Madison saka umalis na.

----

Kat's Note: If napansin niyo yung names are from cities ahaha. Wala na talaga akong maisip na names. Crp means cross role player, yung gumagamit ka ng acc na taliwas sa gender mo(lmao, okay lang ba pagkakaexplain ko?Haha)

Random OneshotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon