32: MINE

12 3 0
                                    

Warning: obsessed male lead, and suicide. Read at your own risk.

"MINE"

"Pauwi na nga ako...Wala akong kasama... Magco–okay sige, aantayin na lang kita... I love you too, bye,"pinatay ko na ang tawag saka pinasok ang cellphone sa bag ko. Medyo mainit pa naman ang panahon, sana hindi ako mag-antay ng matagal.

Kakapasok lang ng phone ko nang nagvibrate ito kaagad at nang icheck ko ang message...

Caleb: Who are you with?

I sighed. Wala pa ngang isang minuto nang ibaba ko ang tawag, naghihinala na naman.

Me: Wala. Don't text while driving. Love you

Muli kong ipinasok ang phone ko sa bag nang may sasakyang tumigil sa harap ko. Binukas niya ang pinto kung nasaan ang driver's seat kaya pumasok na ako at nagseatbelt.

"You're leaving without me na naman,"inis niyang sabi saka sinimulan nang buhayin ang makina.

"Im sorry, niyaya kasi ako ng mga kaibi–"napatigil ako ng hampasin niya ang manibela.

"Kaibigan? Sapphire naman, mas mahalaga pa sila sa akin?Mas pinahahalagahan mo sila sakin?Hindi mo na ba ako mahal?"galit na sabi niya habang nakatuon ang tingin sa daanan.

"Wag ka namang magsalita ng ganyan... syempre mahal kita. Pero hindi naman lahat ng lakad ko kailangang magkasama tayo,"kalmado kong saad. Napabuntong-hininga ako, galit na naman kasi siya.

"Bakit?Kasi may iba ka na? Siguro nangangabit ka pag wala ako,"

"Caleb, walang ganon. Ikaw lang mahal ko okay?"

"Pero pinili mo mga kaibigan mo. Mas mahal mo sila sa akin. Bakit Sapphire?Kulang pa ba ako?"

"Sapat ka na okay, please wag ka namang mag-isip ng ganyan...Fine, hindi na ako sasama sa kanila ulit. Sayo lang,"

A slight smile formed in his lips. "Talaga?"

I nodded. "Oo. Yung baby ko naman kasi, selos agad,"

"You're mine Sapphire,"

"I'm yours Caleb,"

---

"I'm going to our family dinner Caleb, siguro okay ka lang–"napatigil ako ng humarang siya sa pintuan.

"You're not going anywhere,"seryosong sabi niya.

"Family ko naman yun. Kilala mo naman sila diba?"pagkukumbinsi ko.

"YOU'RE. NOT. GOING. ANYWHERE,"pag-uulit niya, this time may diin sa bawat salitang binitawan niya.

"Caleb–"

"Mahal mo ba ako?"

"Are we going to talk about this again–"

"MAHAL MO BA AKO?!"

"Oo naman Caleb! You're asking me that everyday!Hindi naman magbabago ang sagot ko,"

Nakita kong napailing siya. "May iba ka,"sabi niya saka hinawakan ako ng mahigpit sa magkabilang braso.

"Caleb naman, ikaw lang–"

Bigla niya akong niyugyog ng malakas. "Dinadahilan mo ang pamilya mo para pumunta ka sa kabit mo. Don't fool me Sapphire,"inis na sabi niya.

Pinigilan kong mapaiyak dahil sa higpit ng hawak niya. "Nasasaktan ako, Caleb,"

He held my wrist and forced me to climb upstairs. "You're staying here. With me. Hindi sa pamilya o sa kabit mo. Sa akin."saad nito habang hinihila ako.

This time, tuluyan nang pumatak ang mga luha ko. "Caleb naman...let me go,"pagmamakaawa ko.

Pinuwersa niya akong pumasok sa kwarto namin saka tinulak ng malakas. Mabuti nalang sa kama ako bumagsak dahil baka ikamatay ko kung hindi.

"Caleb pamilya ko sila!Hindi mo ako pwedeng ilayo sa kanila!"

"Mas mahalaga pamilya mo kaysa sa akin? Bakit Sapphire? Pamilya mo din ako diba?Asawa mo ako. Hindi ba ako mahalaga sayo?"

"Hindi naman ganon yon Caleb..."

"Mas mahal mo sila... samantalang ako,ikaw lang. Bakit hindi pwedeng ganon?Bakit hindi pwedeng ikaw lang saka ako?Ba't kailangan may sila?!"

"Sila ang nagalaga sa akin Caleb, pinalaki, pinagaral, minahal...magkaiba ang pagmamahal, iba ang sa kanila, at iba din sayo,"

Napatili ako ng basagin niya ang lampshade sa dingding. "WALA AKONG PAKE. Nahahati ang atensyon mo sakin. Ayoko nun. Akin ka lang diba Sapphire?Inalagaan ka nila?Kaya kong ibigay yun. Kaya ko ibigay lahat. Hindi mo sila kailangan,"

"KAILANGAN KO SILA CALEB!MAGULANG KO SILA," and there, bigla nalang akong sumabog.

Nanlaki ang mata ni Caleb na nakatingin sa akin. Maya maya, bigla siyang napaatras, napaupo sa isang sulok saka napatakip sa tenga.

Nagulat ako sa reaksiyon niya kaya sinubukan ko siyang lapitan. "Caleb..."

"Shut up...shut the fuck up...shut up!Stop!Stop!"and then he acted hysterical. Natakot ako, hindi ko alam ang gagawin kaya akma kong kukunin ang telepono nang may sumakal sa akin.

"C-Caleb..."

"Tell me you're mine and you'll live,"

"I-Im...y-yours..."

---

Ayoko na.

Caleb is too obsessed and possessive, he won't let me go out.

Ang bilis niyang magalit, at ako ang kadalasang napagbubuntungan nun.

He gets jealous on simple things, gaya ng paborito kong damit o pabango. Kaya naman yung mga bagay na yun...nauuwi sa basurahan. At hindi basta basta, dahil pinakikita niya pa kung pano niya yun sirain sa harap ko.

He won't let me talk to anyone except him.

He doesn't love me.

He thinks of me as his toy, and he can do anything to me. Because Im his.

But Im done.

Niligtas ko ang sarili ko dahil akala ko mabuti iyon.

Mali ako.

Bumuntong-hininga ako saka ipinasok sa leeg ko ang lubid saka tumalon mula sa upuan.

----

Kat's Note: Thanks Sapphire, my rpw friend for letting me borrow your name!!


Additional Notes: Obsessive Love Disorder (OLD) is a condition where a person becomes fixated on someone they believe they are in love with, leading to obsessive thoughts, overwhelming emotions, and controlling behaviors. People with OLD may feel an intense need to possess or control the object of their affection, often becoming jealous, manipulative, or even stalking the person.

This condition can be linked to other mental health disorders, such as attachment disorders, borderline personality disorder (BPD), or obsessive-compulsive disorder (OCD). Treatment usually involves therapy to address the root causes and manage obsessive thoughts and behaviors.

Also, You are not alone.

If you're struggling with the weight of trauma, bullying, or thoughts of self-harm, there is help available.
Reach out to someone who can listen:

Hopeline PH: 0917-558-4673 / (02) 8804-4673
National Center for Mental Health (NCMH) Crisis Hotline: 0966-351-4518 / 0917-899-8727
Philippine Red Cross Mental Health Hotline: 143 / 0908-144-7676

You deserve support and healing. Please don't hesitate to call or text even me—there's always someone who cares and can help you through this.

Random OneshotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon