Trigger warning: mentions the word "r*pe", probably twisted sense of humor too. If you're not for it, don't read this.
"RAPIST"
"Ikaw si Celine?"napalingon ako at nakita ang babaeng nakaputi. Mahaba ang buhok nito at medyo may punit sa damit sa tagiliran niya. Inaagnas na din ang buo niyang katawan.
Napabuntong-hininga ako. Kahit pa gaano kaasiwa ang nakikita ko,nasanay nalang ako dahil normal naman na ito sa akin.
"T-Tulungan mo–ay wait,"napatigil siya nang mahulog ang mata niya. Napangiwi ako dito. At mas lalo akong napangiwi nang pulutin niya ito at ibalik na parang isang turnilyong nahulog mula sa kahoy.
"Anong matutulong ko?"walang emosyong tanong ko. Hindi ko naman ginustong makakita ng mga pesteng multo e. Gusto mo sayo nalang?
"Gusto ko makamit ang hustisya."
"Ano ba nangyari?"tanong ko saka napahikab.
"Narape ako noon at nagbunga iyon. Kaso hindi ko kilala kung sino yun. Mukhang nasa ilalim ako ng droga non. Hindi na namin nakamit ang hustisya ng aking anak,"
"Pano ko naman iyon hahanapin?"
"Baka makilala mo siya pag nakita mo ang aking anak. Nandoon siya,inaalagaan ng ibang multo. Alam mo ba,ang gwapo ng anak ko. Pakiramdam ko,gwapo yung gumahasa sakin. Sana sinabihan nalang niya ako, willing naman ako e,"
Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya. What the heck?
"Kulay blue ang mata ng anak ko. At ang naalala ko,may tattoo sa leeg iyon. Makikilala ko agad pag nakita ko,"
"Okay...ano naman gagawin ko pagkatapos?"wala sa mood na tanong ko.
"Gagahasain ko din–ibig kong sabihin patayin mo. Gusto ng kumpletong pamilya–err–hustisya,"
"Talaga..."kunwari nalang naniwala ako sa sinabi niya. "Sige. Tara na," sabi ko saka naglakad.
"Sige...sandali!Nahulog tenga ko!"
Damn.
----
"Hindi ka pala namatay sa panggagahasa?"
"Nahit and run kami ng anak ko,"
"Ah,"
"S-Sandali,siya na yun!"
"Huh?"napatingin ako sa tinuro niya. Yung lalaking umiinom ng buko juice sa plastic habang kausap ang tindero ang tinutukoy niya.
Mukhang foreigner pero bihasa sa pagtatagalog.
"Siya nga yun!Kaya naman pala!Furinjer!"Ano daw?
"Oh kita mo na,alis nako,"sabi ko saka aalis na sana nang pigilan niya ako.
"Sandali,papatayin mo pa siya diba?"
"Hindi ako mamamatay tao,kung gusto mo,manghiram ka ng katawan ng iba tas yun yung gamitin mo. Ikaw na pumatay,"suhestiyon ko.
Nagningning naman ang mata niya. "Oo nga no?Sa wakas!Magkakasama na kami!"
I rolled my eyes as I left the place. Bahala na sila maglandian diyan. Naiwan ko pa yung fishball ko sa bahay.
----
BINABASA MO ANG
Random Oneshots
RandomHello! These are the oneshots I made which were most from my Facebook account so if you want to read them there, please, feel free. This is my fb acc btw: Ethereal Talitha Lesouvage Kat's Note: Some contain disturbing scenes so read my notes!