50: DEEP IN THE WOODS

9 3 0
                                    

“DEEP IN THE WOODS”
Collaboration with: Yen

Warning: May contain disturbing scenes.

"Where did she got the knife?!"

"I don't know doc!"

Napangisi ako habang tinitingnan ang doktor at ang nurse na nag-aaway. Sa may paanan ko, ang isa pang nurse na nakalumpasay sa sahig at naliligo sa sarili niyang dugo nang saksakin ko siya sa mismong puso niya.

Nakakapanghinayang lang dahil hindi ko makita ang takot sa mga mukha nila. Kasalanan to ng bwisit na aksidenteng iyon. Ngayon hindi na ako makakita ng mukha.

"Ibaba mo na yan please..."pakiusap ng doktor pero imbes na sumunod, hinagis ko ang kutsilyo sa kanya. Tumarak iyon sa mismong ulo niya, dahilan para bumukas ang bungo niya at bumulwak ang dugo mula dito.

Napatili ang nurse nang matumba ang doktor na kumikislot-kislot pa ang katawan.

I gritted my teeth. Alam kong takot na takot na ang nurse na to, pero hindi ko man lang makita ang reaksiyon niya.

Mabuti nalang at sa may paanan ko napahiga ang doktor kaya niyuko ko lang ang kutsilyo para makuha iyon. Tumambad sa akin ang utak ng doktor. Mas lalo akong naaakit buksan ito para makita ang kabuuan nito.

Kaso may uunahin pa ako.

Inangat ko ang tingin ko sa nurse. Kita ko ang panginginig niya habang sumisiksik sa sulok.

"Gusto kong makatakas,"anas ko.

"Pero–"

"Nakita mo ang nangyari sa kanila hindi ba?"

----

Mabilis na natupad ang aking kahilingan. Nakalabas ako ng hospital ng walang nakakaalam. Pinagmaneho ko pa siya sa pinakamalapit na gubat sa lugar.

Matapos ang isang oras, nakarating na din kami sa bungad ng gubat. Pinababa niya ako saka nagmaneho. Kaso wala akong tiwala sa kanya kaya...

Boom!Pinasabog ko nalang ang sasakyan.

Matiwasay akong naglakad patungo sa pusod ng gubat. Mayroon kaming bahay dito na may masasakit na ala-ala. Pero kahit na ganoon, gusto ko pa din na dito tumira.

Matapos ang kalahating oras na paglalakad, natanaw ko na ang isang malaking bahay. Hindi nga sapat ang bahay para dito. Dahil isa itong mansion.

Memories start flashing in my head. Memories that was supposed to be buried.

Lumapit ako sa pinto saka ibubukas sana nang may marinig akong yapak.

Sila mama?

Imposible. Patay na sila.

Kung ganon, may ibang tao sa bahay?Sino?

I suddenly clenched my fist. How dare they enter my house.

Magbabayad sila.

Napangisi ako saka kumatok sa pinto.

Just so you wait.

Here I come~

----

Random OneshotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon