26: FAILED REQUEST

9 3 0
                                    

"FAILED REQUEST"

Warning: May contain disturbing scenes. Everything here is FICTIONAL. TW, contains cannibalism and death. Read at your own risk.

"I want to be a cannibal." may diin ang bawat salitang binitawan ko. Halata ang determinasyong dumadaloy sa akin.

Simula nang mabasa ko ang isang article tungkol sa cannibals ay natuon agad ang atensyon ko dito. Sa sobrang curious ko, napagdesisyunan kong mag-research pa tungkol doon. At sa paghuhukay ko ng impormasyon, mas lalo lang akong nae-excite maging ganito.

Hanggang sa natagpuan ko ang isang lihim na tribo na nakatira sa malayong bahagi ng pilipinas. Nakatira sila sa gitna ng gubat. Kaya naman sila ang bago kong pinagtuunan ng atensyon.

Inalam ko ang lahat ng tungkol sa kanila. Mula pananamit, mga selebrasyon, paniniwala at pang araw-araw na buhay nila.

At nang sa tingin ko ay sapat na ang nalaman ko, pinuntahan ko na ang lugar na ito.

Sa ngayon ay tatlong araw palang ang pananatili ko dito. Ginagawa ko ang makakaya ko para maipakitang deserve ko ang sikreto nilang gawain. Sa tingin ko ay natanggap na nila ako kaya naman napagdesisyunan kong magsabi na ng aking pakay ngayon.

Napatingin ang pinuno nila sa dalawang matanda na katabi niya. Parehas itong umiling kaya umiling din ang pinuno. Napakunot ang noo ko.

"Bakit?"pagtatakang tanong ko. Hindi ko lang maintindihan saan ako nagkamali. Ginawa ko naman lahat.

"Hindi namin ibinibigay ang impormasyon sa sagradong pagtitipon sa mga dayo,"seryosong sabi ng pinuno. I clenched my fists but contained my anger.

"Ginawa ko ang lahat. Anong mali? Sabihin niyo lang,"

"Isa kang dayo. Iyon ang mali,"saad niya saka tumawag ng dalawang tao para hawakan ako sa magkabilang braso. Nagpumiglas ako pero hindi tumalab iyon.

"Naging mabuti ka kaya bilang pagpapasalamat ay hahayaan ka naming makalisan. Ngayon, umalis ka na sa gubat na ito at huwag nang magpakita pa,"

---

"Ah bwisit!"sigaw ko saka hinagis ang vase sa pader kaya naman nagkawatak-watak ito.

Galit akong napaupo sa kama saka napabaling sa mga unan. Kaya naman,sunod ko silang nabato.

Sinayang ko ang lahat...sinayang ko lang!Tangina nila!"hinagis ko ang lampshade sa pader.

Habang nagpupuyos sa galit ay may naisip bigla akong ideya.

---

"Finally, nagpaparty ka na din!Ang tagal namin inantay to ha,"sambit ni Alice, kasama ko sa trabaho.

Luminga linga siya sa paligid. "Kaso medyo boring yata, wala namang nagbago sa bahay,"

"Maybe he's just preparing the big surprise,"sabi naman ni Harold, katrabaho ko din.

"Well, saan ba tayo Dave?"tanong sa akin ni Callie,again, kasama ko sa trabaho.

"Sa dining area, follow me,"sabi ko saka naunang maglakad sa kanila. Nang marating ang dining room, agad akong umupo sa may pinakaharap na parte ng mesa.

Nilinga ko ang tatlo na nakaupo na din habang tinitingnan ang lugar saka pagkain.

"I feel like I'm in a dinner date with someone. Ang serene at peaceful,"sabi ni Alice.

"Dagdag mo pa ang lantern lights at mga pagkain na mukhang masarap lahat,"sabi naman ni Callie.

"Nandito naman ako at si Dave. Mukha na ding double date diba?"singit naman ni Harold.

"Well,tama na ang chika, Dave?"napangiti ako ng tinawag ako ni Callie.

"Ah, oo. I prepared all the foods here. I chose my best dishes so please enjoy,"I said in the most pleasant and polite tone.

"Yay! Let's eat na!"sabi ni Alice saka una nang kumuha ng pagkain.

May nakahain na sa plato ko. Of course,mine is the best.

Kumain na ako habang pinanonood silang kumain.

"What meat is this pala?Ang sarap niya. Hindi malansa tapos malambot,"

"Tao,"

"Ha?"napabitaw silang lahat ng kutsara't tinidor sa sinabi ko.

Tumango lang ako. "Best quality yan don't worry. Kinuha ko sa morgue yung kapapatay lang. Namatay sa aksidente kaya walang sakit. Hindi nga din ako makapaniwala na ganito kasarap ang tao. Nakakainis talaga yung tribong iyon, ayaw iparanas sa akin kung gaano kasaya maging isang cannibal. Well, kung ayaw nila edi ako ang gagawa,"

Napatingin ako sa tatlong kasama ko saka napa-frown. Hindi pa nga tayo tapos magsalita tulog na.

Pero hindi bale, sila na ang susunod na ihahain ko sa mesa.

----

Random OneshotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon