37: HYPERTHYMESIA

8 3 0
                                    

"HYPERTHYMESIA"

"P-patay na si Aiesha?"tanong ko nang makarating sa paborito kong tea shop.

Tumango si Liam, isa sa waiter nila. "Kagabi lang,hindi nga ako makapaniwala,"malungkot na sabi niya. Si Aiesha ang manager ng tea shop na ito. Tumutulong din siya sa paggawa at pagserve ng tea sa mga customers since kulang sila sa tao.

"Nagserve pa siya sa akin ng chamomile tea habang nanonood ako ng balita tungkol sa holdap na naganap sa Quezon City sa channel 8,"malungkot din na sabi ko. Dahil nga napapadalas ako dito, naging ka-close ko na si Aiesha. Madalas din kaming nag-uusap about random topics.

"Naalala mo pa yun?"tanong niya saka umupo sa tapat ko.

"Oo,si Jeisha Suarez pa nga ang nagbalita e. Umupo si Aiesha sa tabi ko, sabi pa niya "Ang lupit na ng mundo no? Kailangang gumawa ng masama para lang magkalaman ang tiyan,""sabi ko pa.

"Mabuti ka pa, malinaw mo na natatandaan ang mga bagay. Ako mabilis makalimot e,"

"Ano nga palang nangyari kay Aiesha?"

"Pinatay siya sa bahay nila. Tapos ninakawan. Ngayon, kapatid niya na ang nagaasikaso ng shop,"sabi ko saka naglibot sa paligid.

"Kaya pala iba na ang bulaklak na nasa vase,"

Kumunot ang noo niya. "At yan pa talaga ang una mong napansin?"

"Daisies kasi yan noong si Aiesha pa, ngayon, Sunflowers na,"

"Nga pala, nakita ko si Aiesha bago siya mamatay."pag-iiba niya ng topic.

"Talaga?"

"Oo. Nakita ko siyang may kausap na mailman kaso umalis na ako kasi akala ko wala lang yun,"

Natigil ako sa sinabi niya. "Isang mailman ang huli niyang kausap? Natatandaan mo ba ang hitsura niya?"tanong ko.

Umiling si Liam. "Hindi e...pero parang may tattoo siya sa kamay...n-natatandaan ko na!Ang unique kasi nung tattoo kaya natandaan ko. Sa kanang kamay niya iyon,isang blue na dragon,"

Bakit familiar?

"Shiro?May naalala ka ba?"tanong niya.

"Oo. Yung sa balita kahapon. Yung holdaper, may tattoo na ganun."

"Kung ganon tara na,"

---

"Hindi ko kilala ang babaeng yan,"giit niya. Ilang beses na namin siyang tinanong–kinonsensya to be exact, pero hindi pa din nagbabago ang sagot niya.

"Hindi talaga ako iyon!"

"Kung ganon,sino?"

---

"Hayaan mo na Shiro, aamin din yun,"sabi ni Liam saka inakbayan ako. Napabuntong-hininga ako. Malapit talaga sa akin si Aiesha at ang pagkamit lang ng hustisya ang makakagaan ng loob ko.

"Pupuntahan ko ang bahay ni Aiesha. Baka may nakalimutang tingnan ang mga pulis,"

"Ihahatid na kita,"

----

Nung huli akong pumunta dito iba pa ang ayos ng bahay. Malinaw pa sa utak ko ang bawat ayos sa bawat sulok nito.

Madami sa gamit ni Aiesha ang kinuha, pinalitan, at tinakpan. Pero hindi ang bahay ang concerned ko.

Agad kong tinungo ang kwarto ni Aiesha. Maayos lahat ng gamit. Binukas ko ang bawat cabinet, pati closet, pati sa kama, pero wala akong nakitang pwedeng makatulong sa akin. Tumingin ako sa salamin niya at napansin ang nakasulat sa kalendaryo na nakatapat mismo sa salamin.

"BED"

Paglingon ko sa kalendaryo, baliktad ang sulat nito. Kaya naman sa salamin ko lang nabasa.

Eh kakatingin ko lang sa kama wala naman.

"Shiro, tapos ka na?"tanong ni Liam habang kumakatok.

"H-Hindi pa!"may nakalimutan akong tingnan. Asan?

Inikot ko ang paningin ko hanggang sa mapako ang tingin ko sa sahig.

Oo nga!Yung ilalim ng kama!

Marahan kong inusog ang kama saka kinapa ang kahoy sa ilalim nito at gaya ng inaasahan ko, may natanggal dito. Nasa loob non ang isang box na agad kong kinuha.

Binukas ko ang kahon at tumambad sa akin ang mga sulat. Death threats.

Nangilabot ako sa napagtanto ko. Iniba niya man ang sulat niya, alam kong siya pa din iyon.

"Shiro?"

"Sandali!"

Kailangan kong makahanap ng pwede kong ipanlaban. Sigurado akong may dalang armas si Liam kaya kailangan kong proteksyunan ang aking sarili.

Hayop ka Liam, you lured me into your trap.

Kaya pala hindi niya ako hinahayaang mag-isa dahil sa takot na may malaman ako. Nagkukunwari pang concerned.

"Ah...you found it,"nanlaki ang mata ko nang makita si Liam sa harap ko.

Nabuksan niya.

"Ang tagal mo kasing makalabas...akala ko may mangyayaring masama so I opened the door. It turns out that there really is,"

"Pinatay mo si Aiesha!"

"Hindi lang ikaw ang may hyperthymesia Shiro. Ang pinagkaiba lang, I can use mine to manipulate others. Now, is everything connected to you na?"

"Bakit?Aiesha and even I were kind to you!Anong ginawa namin?!"

"Nothing. Its just my greedy mind after all,"sabi niya saka inilabas ang baril sa bulsa niya saka kinalabit ang gatilyo.

"Bye Shiro,"

Bago pa niya iputok ang baril ay tinulak ko na ang kama papunta sa kanya. Mabuti nalang at magaan iyon. Dahil sa ginawa ko, nadistract siya kaya tinuhod ko ang braso niya at binali ang kamay niya gamit ang kamay ko. Mabilis niyang nabitawan ang baril kaya kinuha ko ito at pinaputukan siya sa tuhod. Napasigaw siya sa sakit saka napaluhod.

"Sorry Liam. Unlike you, I don't give warnings,"sabi ko at habang hawak ang baril sa kanang kamay, nagdadial naman ako ng number ng pulis sa kabila.

Hindi ko inalis ang tingin ko kay Liam na iniinda pa din ang sakit ng paa niya habang sinasagot ang pulis.

Geez, I won't forget this day.

----

Kat's Note: Thanks Shi for lending your name to meeeh

Additional Note: Hyperthymesia, also known as Highly Superior Autobiographical Memory (HSAM), is a rare condition where a person has an extraordinary ability to recall detailed memories from their past, often with incredible accuracy. People with hyperthymesia can remember nearly every event, date, or detail from their life, often without the need for conscious effort.

Random OneshotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon