45: MY BOYFRIEND

16 3 0
                                    

"MY BOYFRIEND"

"Gusto ko ng kumpletong pamilya pero ikaw ang tumutulak sa akin masira to!"

"Eh diba yan ang gusto mo?!Umalis? Edi lumayas ka na!"

"Lalayas talaga ako!Iyo na yang mga anak mo!"

Napayuko ako habang pinipilit ang sariling wag umiyak. Nag-away na naman sila. At ngayon, tuluyan nang aalis si mama.

Bumuntong-hininga ako. Sana iba nalang kasi pamilya ko. Palagi nalang ganito. Yung dati kumpleto nga kami, pero hindi naging masaya. Ngayon, kulang na kami at hindi pa din masaya.

Hindi na yata talaga maaayos ang pamilyang to.

Nagulat ako nang may biglang umakbay sa akin. "Okay ka lang Lovi?"lumingon ako kay Lucian, ang boyfriend ko.

Wala sa sariling napangiti ako saka umiling. "Nag-aaway na naman sila," sagot ko. Tumayo siya kaya tumayo din ako.

"Wag ka mag-alala, nandito kami,"sabi ni Lucian saka biglang naging isang napakagandang garden ang kwarto ko. Nakita ko si Chichi, pusa ni Lucian. At nakakapagsalita siya!

"Namiss kita Lovi!"sabi ni Chichi saka tumalon papunta sa akin. Agad ko naman siyang sinalo saka hinaplos. Ang cute niya talaga.

"Kung wala sila para sayo, nandito kami. Mahal na mahal kita,"sabi niya saka hinawakan ang pisngi ko.

Mabuti pa sa pekeng mundo na ginawa ko masaya ako. Sana totoo nalang ito. Sana totoo si Lucian.

---

Note: Maladaptive Daydreaming is a psychological concept characterized by extensive and vivid daydreaming that interferes with an individual's daily functioning. People with this condition often engage in elaborate fantasies that can be triggered by real-life events, thoughts, or even specific stimuli, leading them to spend excessive amounts of time immersed in their imaginary worlds.

Random OneshotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon