9.2: FATHERLY FIGURE (PART II)

111 2 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




“FATHERLY FIGURE (Part II)”

Warning: May contain disturbing scenes.

Napagpasyahan ni Axel na magluto ngayon. Unang beses niyang magluluto. Si Yuna kasi ang nagluluto dati pero nawalan na ng kamay si Yuna kaya naman siya na ang gumawa nito.

Naging makalat ang kusina sa pagluluto ni Axel. Hawak hawak ang cooking book a
y natapos na niya ang niluto. Gamit ang kutsara ay tinikman niya ito at ayos naman.

Masaya niya itong inihain sa lamesa kung saan nandoon ang ulo ni Yuna. Naisip ni Axel na hindi na kakain ang asawa niya dahil may mga uod naman nang umaaligid sa ulo niya. Tama na yun na kainin niya.

Kumuha na si Axel ng pagkain niya. Kinuhanan niya na din si Yuna ng pagkain. Nagsimula na siyang kumain habang tumitingin kay Yuna.

Axel gritted his teeth. Hindi kumakain si Yuna! Hindi ba niya gusto ang inihain nito?

"Yuna. Kumain ka na,"malamig niyang sabi sa anak. Ngunit hindi ito tumugon.

Inis siyang tumayo saka hinablot ang ulo ni Yuna. Nahulog ang ilang hibla ng buhok nito. "Bakit ba ayaw mong kumain?!"tanong niya kay Yuna na maputlang maputla na.

Kumuha ng pagkain si Axel saka pinuwersang buksan ang bibig ni Yuna. Medyo nahirapan siya dahil nanigas na ito. Nang maibuka ang bibig,isinubo niya dito ang pagkain. Gamit ang daliri,tinulak niya ito papasok sa lalamunan kaso nahulog lang ang pagkain sa sahig. Wala naman na kasing katawan ito.

Nagngitngit sa galit si Axel. Ayaw kumain ni Yuna. Anong gagawin niya?

"Nagrerebelde ka nanaman sa akin?!Gusto mo dun sa boyfriend mo?!"natigilan bigla si Axel nang may pumasok na ideya sa kanya.

----

Random OneshotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon