"AN EYE FOR AN EYE, DEATH FOR A DEATH"
Warning: contains disturbing scenes. Read at your own risk.
"Jade, ang cute naman niya. Kamukha ng alaga ni daddy. What's its name?"tanong ko habang mahinang dinuduyan ang sarili sa swing sa playground namin. Nasa harapan ko si Jade, pinapakain ang alaga niyang lab rat na nasa kulungan.
Sinamaan niya ako ng tingin. "Wala ka na don,"saka umalis na siya sa harapan ko. Napanguso ako saka nagpatuloy sa pagsipa sa lupa para gumalaw yung inuupuan ko. Kahit kailan ang sungit talaga. Hindi naman ako kagaya ng ibang bata na—
"Ano nanamang kulam gagawin mo gamit ang dagang yan?"
"Siguro balak niya na tayong kulamin gaya nung pinanood ko!Yung tinutusok ng sinulid yung doll,"
"Doll nga yun hindi daga. Saka karayom!Kelan pa nakatusok yung sinulid?"
"Hala kita mo!Pinagaaway na tayo ni Jade!He's a freak!"
"Tama!Twink ka!"
"Freak hindi twink!"
"Hoy!Inaaway niyo na naman si Jade, di naman mahal ng mommy nila,"singit ko sa kanila saka dinilaan ko sila. Umiyak yung mga batang nang-aasar kay Jade saka tumakbo palayo.
"Heh!Mga iyakin!"pahabol kong sigaw saka ibinalik ang tingin ko kay Jade. "Ayos ka lang?"tanong ko.
Tinitigan niya lang ako saka umalis na. I just shrugged then went back to house.
----
"Austin, buti umuwi ka na,"ni hindi ako nilingon ni daddy dahil busy siya sa ginagawa niya. Sinara ko yung pinto saka tumitig sa ginagawa ni dad. Parang naghahalo siya ng ibat ibang kemikal.
"Bakit po, daddy?"I asked politely.
"Ibalik mo sa akin ang kinuha ng kaibigan mo,"
"Po?"
"Yung daga. I saw him on the cam. Get that mouse or I'll sue your friend,"
Napalunok ako sa sinabi ni daddy. Di naman niya siguro gagawin yun hindi ba?
-----
"Jade!May sasabihin ako wag ka muna umiwas!"sigaw ko habang tumatakbo kaya tumigil siya dahilan para maabutan ko siya.
"Ano?"tanong niya pero hindi man lang ako tinapunan ng tingin.
"K-Kay dad kasi yung friend mo e, k-kinukuha niya na,"napaatras ako ng titigan niya ako ng matalim.
"Sa akin si Tim. Layas,"malamig na sabi niya saka umalis na habang dala dala ang kulungan at ang daga ni daddy.
----
Nanonood ako ng paborito kong cartoons nang bigla nalang namatay ang ilaw saka tv. May brownout pala? Sumilip ako sa ibang bahay pero may ilaw sila.
Hays. Ano na naman kayang ginagawa ni daddy?
Kahit naka-pajamas ako nilalamig pa din ako sa lamig ng hangin dito sa labas. Mabilis at maingat akong pumasok sa "lab" ni daddy at nagulat sa nasaksihan.
"Dad!Wag po!Tama na yan, mapapatay niyo siya!"sabi ko habang pinipigilan si daddy na kuryentehin si Jade.
"Leave my premises, son. Wala kang karapatang pigilan ako,"
"Meron po dad dahil kaibigan ko si Jade,"sabi ko saka tinulak si daddy ng malakas. Natumba siya sa may wires dahilan para mabuhol ito sa kanya. Ginamit ko yung chance na yun para pakawalan si Jade at alalayan siya palabas ng lab ni dad. Dumiretso kami sa school lab, eto lang kasi ang naabutan kong bukas saka tingin ko di kami hahanapin ni daddy dito.
"Jade, okay ka--"
"Your dad killed my friend!"natakot ako at napaatras sa inasal ni Jade. Galit na galit siya.
"Sorry-
"Mabubuhay ng sorry mo ang kaibigan ko?!Walang tumanggap sa akin dahil iniisip nila na freak ako, pero nung kasama ko si Tim gumaan yung pakiramdam ko. Tapos papatayin niyo lang siya?!"
Akala niya walang tumatanggap sa kanya pero ilang beses kong sinubukan na makipagkaibigan sa kanya. Ayaw niyang subukang buksan ang puso niya sa ibang tao kasi nasaktan na siya ng iba. Masama si daddy, oo. Pero hindi naman niya ako katulad. Wala naman akong ginawa na kinapahamak ng iba ah.
"Hindi ko alam na gagawin ni dad-
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigla niya akong sakalin. Sinubukan kong tanggalin pero sobrang diin ng pagkakasakal niya hindi na ako makahinga. Nandidilim na din ang paningin ko at nanghihina na ang tuhod ko kaya napaluhod ako.
Wala akong nagawa maliban sa pagtulo ng luha sa mata ko. Hindi ko naman kasi alam na sa lahat ng ginawa ko, dito lang pala ako matatapos. Ang sakit lang na ang dami kong tinulungan noon, pero wala nang tutulong sakin ngayon. E yung mismong tinulungan ko pa yung papatay sa akin. Tuluyan na akong napahiga. Umalis sandali si Jade habang ako naman ay pilit hinahabol ang hininga ko.
Nagulat ako ng dumating si Jade dala dala ang dalawang itim at malalaking daga. Kasing laki na ito ng kuting. Natakot ako sa hitsura nito pero bago pa ako makatayo tinapakan na niya ang tiyan ko.
"Joy, Mary, feast his body,"sabi ni Jade saka hinulugan ng hilaw na karne ang tiyan ko. Tatayo sana ako pero tinapakan ni Jade ang ulo ko.
"Wag kang magulo, ipinaghihiganti ko pa ang kaibigan namin,"sabi niya.
Naramdaman ko ang mga paa ng dalawang daga na dumantay sa tiyan ko saka kinain ang hinulog ni Jade na karne. Rinig na rinig ko ang mahina nilang pag-"squeak" habang nginangatngat ang karne. Sinubukan ko itong ialis sa akin pero kinagat lang nila ako. Wala akong ginawa kundi humagulgol. Hindi ko kayang magwala dahil mas lalong dinidiinan ni Jade ang pagkakatapak niya sa ulo ko.
Daddy, mommy tulungan niyo po ako...
Napasinghap ako nang maramdaman ang malamig na hangin sa tiyan ko, nginatngat na pala nila ang damit ko sa bandang tiyan. Bigla akong nakaramdam na may tumulo dito, malansa, amoy dugo. Baka dugo ng hayop ang tinapon ni Jade sa akin.
Napasigaw ako bigla sa sakit nang bigla nalang akong kagatin ng mga daga. Bumabaon ang maliliit pero matutulis nilang ngipin sa balat ko. Ginusto ko nang makaalis, nagwawala na ako pero mahigpit pa din ang pagkakaipit ni Jade sa ulo ko. Sa sobrang diin nga nito pakiramdam ko pati doon nagdurugo na din.
Sinubukan kong kumawala pero hinang hina na ako sa dami ng dugo na nawala sa akin.Maya maya, naramdaman ko ang pagkagat nila sa laman ko hanggang umabot sila sa digestive system ko. Gusto ko nang mawala sa ulirat dahil sa nararamdaman kong sakit. Wala akong ginawa kundi sumigaw at magmakaawa pero di siya nakinig.
Alam kong mamamatay na ako pero mabuti na din na may napagtanto akong isang bagay.Na kahit ano pang kabutihan ang ibigay mo sa isang tao, hindi pa din ito sasapat kung pilit sinasara ng taong yun ang puso niya para sa iba.
Napangiti ako ng mapait bago tuluyang mawalan ng malay.
Katapusan ko na talaga.
BINABASA MO ANG
Random Oneshots
RandomHello! These are the oneshots I made which were most from my Facebook account so if you want to read them there, please, feel free. This is my fb acc btw: Ethereal Talitha Lesouvage Kat's Note: Some contain disturbing scenes so read my notes!