Crystal" lahat kami ay natigilan. Gulat na napatingin kay Zachary na kakapasok lang kasunod ang tatlo.
Napakurap naman ako ng ilang beses at napakamot sa baba ko.
"Aaah, mamaya na siguro yung sa atin hehe, usap muna kayo." usal ni Valerie at hinila ang tatlo pati na rin ang tatlong nasa likod ni Zachary.
"Crystal" usal niya at agad ako na niyakap.
Nang humiwalay siya sa yakap ay napakunot ako ng noo at tumingin sa sahig.
Hindi ko alam kung paano ko gagawin to. Pinaghandaan ko na ito kanina e. Badtrip naman. Iba pala talaga kapag pes to pes na, yung actual nang nangyayari.
Pinagmasdan ko lamang siya, inaantay na magsimula siyang magsalita, ipinatong niya ang kanyang braso sa hita pinaghawak ang dalawang kamay.
"Nawala ka kagabi." Pahayag niya sabay tingin sakin kaya napaiwas ako ng tingin. Dahan dahan akong tumango tapos ay inayos ko ang pag-upo ko.
"Kailangan" sabi ko na tumatango pa rin. "Nabigla ako e." Pagdugtong ko sa sinabi ko.
"Nainis ako" nakangiting sabi ko at tinignan siya. "Napaniwala niyo ako dun Zachary." Usal ko.
"Sabihin mo nga sakin Zachary." Napatingin siya sakin, tinignan niya ako sa mata at umayos ng upo.
"Lahat ba... Lahat ba nung mga ginawa niyo, mo sakin lahat ba yun dahil sa kamukha ko siya?" Tanong ko.
Bigla siyang napahinto at di makakilos sa tanong ko. Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko. Napakunot ako ng noo at malalim siyang tinignan.
Somehow I felt sad and betrayed sa di malamang dahilan. Ako rin naman yun e, ako si Skylar.
Nang di pa rin siya sumasagot ay natawa ako bigla sa sarili ko. Nakita ko ang pagkanuot niya ng noo dahil sa pagtawa ko. Umiling iling ako saka biglang tumayo nang maramdaman ang pagtulo ng mga luha ko. Agad akong umakyat papuntang kwarto ko, agad din naman akong napabagsak sa sahig pagkalock ko ng pinto.
Hindi dapat ito yung maramdaman ko. Ako si Skylar, ako rin naman yung taong dahilan kung bakit nila ako ginustong kausapin, kilalanin at kaibiganin.
"Ako rin naman yun eeeeeh. Huuuuuhuhu" para akong batang umiiyak na akala mo'y hindi nabigay ang gusto.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Hindi ko maintindihan, ano ba dapat ang maramdaman ko. I feel betrayed pero masaya ako. Pakiramdam ko dalawang kaluluwa namumuhay sa katawan ko.
Natawa na lang ako bigla at napahawak sa noo ko. Sinabunutan ang sarili at hinalamusan ang mukha.
Huminga ako ng malalim at naglakad papunta sa kama ko saka itinapon ang sarili sa kama. Tinitigan ko ang ding ding sa harapan ko saka nag isip.
"Crys" kunot noo naman ako napatingin sa pinto nang may kumatok sa pinto at tawagin ang pangalan ko.
"Richelle to" usal niya, taka man ay tumayo na lamang ako at nagtungo sa pintuan upang buksan ito.
"Bakit?" Takang tanong ko.
"Pwede ba tayo mag-usap?" Tanong niya, tinitigan ko pa siya saglit at walang nagawa kundi ang tumango at papasukin siya sa loob ng kwarto ko.
Pagkasara ko ng pinto ay naupo ako sa kama at humarap sa kanya na nakaupo sa sofa.
"Skylar is not dead." Bigla nitong pahayag na kinalaki naman ng mata ko. Ngunit ay agad kong binago ang reaksyon ko.
'Pano niya nalaman? Ay sandali syempre kaibigan nila yun. Ibig sabihin alam nilang buhay pa ako?'
"And you're right, the reason you're here is because you have resemblance of her. Lahat ng ito plano." Napatingin naman ako sa mata niya at napatango.
![](https://img.wattpad.com/cover/91926372-288-k858557.jpg)
BINABASA MO ANG
Bad-ass GIRL {editing}
AcciónHello everyone! This book entitled The Bad-ass Girl and I as the writer of this book formally announcing that this book will be revising for a new one. To all my former readers please reread this new one but for now, please be patient because revisi...