Chapter 52

236 9 2
                                    

Crystal's POV

Wala ako sa sariling lumabas at sumakay sa taxi.

"Saan tayo miss?" Napatingin ako sa driver saka tumingin sa labas. Walang ganang sinabi ko ang lokasyon at muling tumingin sa labas. Pinunasan ko ang luha ko at inayos ang sarili ko. Huminga ako ng malalim at pinikit ang mga mata ko.

Nang sinabi ng driver na nasa destinasyon na kami ay dinilat ko ang mata ko at agad nagtungo sa hideout namin nila Jarson.

"Oh boss" gulat na usal nila nang makita ako.

"Wala ba tayong laban ngayon?" Tanong ko sa kanila. Nagkatinginan naman sila at napatingin sa wall clock.

"Meron kaso maya maya pa, bakit boss, sasama ka? Akala ko ay may pupuntahan ka ngayon?" Tanong ni Reycee. Naglabas ako ng malalim na hininga at nagtungo sa kwarto ko at nagpalit ng damit pagkatapos ay agad na nagtungo sa gym.

"Ayos ka lang ba Crystal?" Tanong ni Nudge, nang tumingin ako sa salamin ay nakita ko silang tatlo na sumunod pala dito.

"Ayos lang." Sagot ko at nagsimulang magwarm up.

"Bakit parang kakagaling mo lang sa iyak?" Inosenteng tanong ni Reycee. Napailing naman ako at saka nagsimulang mag-ensayo.

"Ah boss, maaalala ko nga pala yung mga nagpunta dito. Kilala mo ba sila?" Tanong ni Jarson, napahinto naman ako at napatingin sa cellphone ko na nakalapag sa drawer malapit sa pwesto nila.

Agad akong lumapit duon at kinuha ang cellphone ko saka tinawagan si Han.

"Han" tawag ko pagkasagot pa lamang ng tawag

[Nasaan ka? Bakit bigla kang nawala? Nag-aalala kaming lahat dito.]

"May kasama ka ba ngayon?" Tanong ko.

[Wala papunta ako ngayon sa bahay mo, nasaan ka ba?]

"Umikot ka, magpunta ka rito sa hideout. Huwag mong sasabihin sa kahit na kanino. Dalian mo" sabi ko at agad na binaba ang tawag.

"Anong meron boss?" Biglang tanong ni Jarson, napatingin naman ako sa kanya at sinenyasan sila na lumapit sa akin.

"Alam kong mapagkakatiwalaan ko kayo. Bukas may malaking bagay na maaaring mangyayari, hindi ko pa alam ang resulta ng gagawin ko pero maaasahan ko ba kayo kapag kinailangan ko ng tulong?" Kunot noong tanong ko sa kanila.

"May kinalaman ba ito sa mga lalaki kahapon?" Tanong ni Jarson napatango naman ako at umikot sa kinasasandalang cabinet upang makaupo sa upuan na naruon.

"Oo, sila ang mga taong makakasagot ng mga tanong ko. Wala akong magawa kundi ang sumunod na lamang sa kanila dahil sila lamang ang pag-asa ko." Seryosong usal ko.

"Huwag ka mag-alala boss nandito lang kami. Handa naming ialay ang buhay namin." Sabi ni Reycee na umastang sundalo.

"Umayos ka nga seryoso yung nangyayari e." Usal ni Nudge at binatukan pa si Reycee. Napailing na lamang ako at tinignan sila.

"Crystal!" Pumikit muna ako at saka dinilat ang mata ko at nagtungo sa pinanggalingan ng boses na iyon.

"Ayos lang ako." Usal ko nang makita ang pag-aalala ng mukha ni Han.

Bad-ass GIRL {editing}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon