Paalala ko lang po na hindi ito GxG na story baka ho kasi aklain niyo hehe. Continue reading lang po para maintindihan ang mga mangyayari sa susunod na chap.
-----------
Crystal's POV**
Matapos ang pakikipagtalo sa sarili ay nagulat ako sa pagtunog ng sariling cellphone. Nang tingnan ko ito ay nakitang alarm ko pala iyon, para mag ayos na para sa pagpasok."12:20 na? Kanina pa pala ako nakahilata." agad nang lang ako nag ayos ng sarili at nagsuot lang ng simpleng vneck at jeans at nagsapatos at sinuklay lang ang buhok at sinuot na ang bag. At kinuha ang panyo saka cellphone.
Pagkatapos ay agad din akong bumaba at nagulat nang makita ko duon si Richelle na nakaupo sa sofa at iba na rin ang damit at may bag ding dala.
"B-bakit ka nandiyan?" Tanong ko.
"Isasabay kita" walang buhay na sabi nito.
"O-kay tara na." Sabi ko at agad na lumabas at nakitang sumunod naman siya sakin.
Agad kong nilock ang pinto at naglakad na. Dumiretso kami sa elevator at hinintay itong bumukas. Habang hinihintay ay dahan dahan akong tumingin sa kanya.
'Pulang buhok, na may kulay itim na bonnet. Simple lang lipstick lang ang meron sa mukha. Naka jacket na orange ata o yellow basta parang jacket ng hiphop malaki sa kanya. Naka black ripped jeans at puting sapatos. Tomboy!?'
"Wag mo akong tingnan ng ganyan" napabalik lang ako sa sarili ng magsalita siya.
'Paano niya nalaman!?'
Umiwas na lang ako tingin sakto naman na bumukas ang elevator at nauna na akong sumakay at sumunod lang siya sakin hanggang sa nakarating sa first floor ay hindi ko na siya tiningnan muli.
Ngayon ako naman ang nakasunod sa kanya dahil di ko kabisado ang lugar na ito.
Tahimik lang kaming naglalakad nang biglang may tumawag sa pangalan niya.
"Richelle" parehas kaming napatingin sa likod. At may lalaking tumatakbo na nakataas ang kamay.
"Whatz up?" Sabi nito pagkalapit at parehas nilang inabot sa isa't isa ang kamay at tsaka pinagtama ang balikat.
"Ayos lang. Ikaw lang nasaan ang iba?" Tanong ni Richelle.
"Ahh papunta na nga ako dun e. Sabay kana. Tara" sabi nito.
'Ha-ha-ha nakakatawa may kasama kaya siya.'
"No I can't ngayon ang first subject ko. Let's just meet later." Sabi ni Richelle. Napatango naman ang lalaki at napatingin sakin.

BINABASA MO ANG
Bad-ass GIRL {editing}
ActionHello everyone! This book entitled The Bad-ass Girl and I as the writer of this book formally announcing that this book will be revising for a new one. To all my former readers please reread this new one but for now, please be patient because revisi...