Crystal's POV**
"Sigurado ka ba talagang kaya mo?" Tanong ni Kurt.
"Oo kaya ko." Pagsisigurado ko.
"Sigurado ka ba talaga?" Isa pang tanong niya.
"Oo nga lintian" inis na talagang sabi ko.
"Ihatid na lang kaya kita" buntong hininga akong tumingin sa kanya.
"Sina-- u-uy ano?" Bigla kasi akong hinila ni Matthew at kinuha ang susi sa kamay ko.
"Ihahatid na kita Kurt sumunod ka, gamitin mo yung motor mo. Dito lang kayo Kirk, babalik kami." Dire diretso nitong sabi papunta sa motor ko.
"Sakay" sabi niya sakin pagkasakay niya.
"Sakay"
"O-oo eto na." Sabi ko at nagmamadaling sumakay.
"Isuot mo yang helmet mo" sabi niya kaya ginawa ko.
"Kurt sumunod ka" baling niya kay Kurt.
"Oo,oo" agad na pinatakbo ni Matthew ang motor at humawak naman ako sa likod.
'Problema neto!'
Nang ilang sandali ay nakarating kami sa tapat ng bahay. Agad din akong bumaba ng maihinto niya ang motor. Siya naman ay umalis sa motor at umupo dito paharap sakin. Inalis ko naman ang helmet sa ulo at sinabit sa braso.
"Problema mo? Adik ka ba?" Inis na tanong ko sa kanya sabay cross ng kamay.
"Inihatid lang kita." Mahinahong sabi niya.
"Eeee bakit parang g na g ka? Para kang timang ah."
"Para mahatid na kita ng di sila nagtatanong."
"Huh?"
"Haayy" huminga muna siya ng malalim tapos ay tumingin sa kaliwa kung saan kami dumaan kanina.
"Baka kasi pag sinabi kong ako na maghahatid ay mag tanong at mang asar lang sila kaya ginawa ko yun." Tumaas naman ang gilid ng labi ko at sinamaan siya ng tingin.
"Seryoso" sabi niya. Tumango tango ako at tinapik siya sa balikat.
"Pinapakilig mo ata ako e." Ungos ko sa kanya.
"Asa" nakangiting sabi nito.
'Eeeeeeh hahaha'
BINABASA MO ANG
Bad-ass GIRL {editing}
ActionHello everyone! This book entitled The Bad-ass Girl and I as the writer of this book formally announcing that this book will be revising for a new one. To all my former readers please reread this new one but for now, please be patient because revisi...