Chapter 51

963 24 0
                                        

Crystal's POV**

Today is Zachary's day and a lot of things happened between us but only Han know about it. 

I told Zach not to tell everyone, but I've made my decision na ngayon ko sasabihin that we are simply dating, nothing more nothing less.

"Are you ready girl?" I asked myself while looking at the mirror.

"Ang ganda mo." I said praising myself, wala namang nakakakita e.

Dahil hindi na ako masusundo ni Zach dahil may kailangan siyang gawin ay sinabi ko na lang sa kanya na isasama  ko si Han at sinabi niya namang walang kaso iyon basta't ligtas akong makakarating duon.

'O diba siya na ang sweet na hindi.'

Natatawa akong bumaba at napapailing sa mga iniisip ko at  sakto naman na kakarating lang ni Han.

"Tal are you ready?" Han asked, huminga muna ako ng malalim saka tumayo.

Agad din naman kaming pumasok sa kotse at nagpatuloy sa pagkukwentuhan.

"Crystal be attentive" he suddenly said.

"Yes of course, pero wala naman sigurong papatay sa akin dun." I said and shrugged.

"Hindi natin kilala ang kalaban Tal." sabi nito at napatango naman ako.

"Alright sorry" nakangusong sabi ko at natawa naman siya.

Nang makarating kami ay agad din naman kaming pumasok.

Usual birthday party, it is a pool party actually. If you want to swim, you can swim after all the chuvaness.

Alam niyo kapag gantong mayayamang party may nangyayari pang orasyon pero sa amin madalas wala kami pakielam dahil mga magulang naman namin ang may gawa nuon at ang tanging gagawin lamang namin ay tumango tango at ngumiti ngiti saka pa lang magsasalita. And then the night is yours.

'Diba para kmaing tumatakbong konsehal'

"Crystal, you're so gorgeous" napatingin ako sa likuran ko at nakita ang grupo nila Valerie.

"Hey, ikaw rin. Good evening" pagbati ko sa iba.

"Come sit with us." Alex said at naunang maglakad, sumunod naman kami sa kanya.

'nasaan na kaya siya at anong itsura niya?'

Nilibot ko ang paningin ko at wala akong makita kahit na ang anino niya.

"Mamaya pa siya lalabas gurl" napalingon ako kay Valerie at pekeng natawa.

"Hindi ko naman siya hinahanap haha." Nakangiwing sabi ko at nagkibit balikat naman siya.

Nang maya maya ay nagvibrate ang phone ko, agad ko naman itong kinuha at binuksan. Napangiti ako nang makita na si Zach pala ang nagmessage.

Tell Jezy na samahan ka pumunta dito. Just show my text to him.

Tumayo ako at lumapit kay Jezy.

"Jezy" pagtawag ko rito, nang lumingon siya ay pinakita ko sa kanya ang phone ko. Tumango naman siya at tumayo tapos ay sinenyasan akong sumunod sa kanya.

"Uh J-jezy" napakamot ako sa ulo at ngumiti ng hilaw sa kanya.

"Yup alam ko, don't worry di ko ipagkakalat." Sabi nito sabay kindat.

Bad-ass GIRL {editing}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon