Chapter 37

1.4K 30 0
                                    

Crystal's POv**

Madaling araw nang magising ako, hapo hapo ang hininga. Napapikit ako ng mariin at saka huminga ng malalim.

Napaniginipan ko na naman ang batang lalaki. Napatingin ako sa kabuuan ng kwarto ko, bawat sulok na parang makikita ko siya rito.

Muli akong napapikit ng mariin bago tuluyang tumayo at magpunta sa banyo para maghilamos at mahimasmasan.

Kinuha ko ang nakasabit na tuwalya sa gilid at lumabas. Umupo ako sa harap ng vanity ko at tinitigan ang sariling mukha. Napahawak ako sa likuran ko at hinimas ito at inalala ang napaniginipan.

Batang lalaki, mag-asawa at mga lalaking nakatakip ang buong mukha ng itim na tela.

Dinilat ko ang mata ko at napagdesisyunang lumabas dahil nakakasawa na rito sa bahay lagi mag gym.

Nagpalit lang ako ng dilaw na tshirt at sweatpants. Di na ako nagdala ng kahit na ano bukod sa susi nang gym ko.

Nang makalabas ako ng bahay ay nakita ako ni manong guard kaya agad niya rin akong binati. Nagsabi naman ako na sasaglit lang ako sa gym.

Habang pinaglalaruan ang susi sa aking kamay ay nakarinig ako nang naglalakad sa likod ko kaya binagalan ko ang lakad ko. Pero nawala ito kaya napakunot ang noo ko. Muli akong naglakad ng natural at pinagpatuloy ang paglalaro sa susi.

"Hold- up to" naramdaman ko ang malamig na bagay sa gilid ng noo ko kaya agad na nagsalubong ang kilay ko at walang ganang lumingon sa kanya. Hindi man lang siya nagsuot ng kahit na anong pantakip ng mukha, mukha na siyang tatay at naka itim siyang buo at tanging sumbrelo lamang ang pantago sa mukha.

"Akin na mga gamit mo." Sabi pa nito at napangiwi naman ako sa kanya. Binigay ko sa kanya ang susi na agad niyang pinagtaka.

"Ano to!?" Inis na tanong niya.

"Susi" sagot ko dahilan ng lalong pagkainis niya at pagdiin ng baril sa noo ko.

"Bobo ka ba!? Ang kailangan ko ay ang mga mamahaling gamit." Sabi niya kaya napatawa naman ako dahil wala namang akong kahit na anong dala kundi ang susi.

"Ang sabi mo ay gamit, yan lamang ang dala kong gamit." Sagot ko at siya naman ay tumawa rin.

"Kung ganon ay katawan mo na lamang ang kailangan ko." Nakangising sabi niya.

"Napakagandang idea" sarkastikong sabi ko at gamit ang kanang braso ko ay malakas kong hinampas ang braso niya at gamit ang kaliwang kamay ay hinila ang kamay niya saka kinuha ang baril na hawak niya. Mabilis kong tinanggal ang bawat isang parte ng baril na ngayon ay nasa kalasada na.

"Masyadong malaki ang kakapalan ng mukha mo, hindi perket babae ang kaharap mo ay mahina na." Sabi ko, nanlalaking mata lamang ang kaniyang nagawa.

"Mainit ang ulo ko, gusto ko sana maglabas ng sama ng loob. dumating ka, ikaw na lang kaya ang barilin ko." Magsasalita pa sana ako ng natumba siya at magkadikit ang palad at nakaluhod siya ngayon sa harap ko. Napangisi naman ako at tumalikod.

Muli kong pinaglaruan ang susi sa kamay ko at nagdiretso na gym.

Pagpasok ko sa loob ay agad akong pumasok sa isang silid at kinuha ang baril na naka display sa gilid saka tinutok sa target. Paulit ulit kong binaril hanggang sa tuluyan ng mabutas ang noo nito. Isa itong bakal at masydong mabigat kaya hindi ko na pinalitan pa at lahat ng nanduon ay ganun din ang ginawa ko hanggang sa maubos lahat ng iyon saka ako lumabas at huminga ng malalim.

'Take a break Crystal.'

I said to myself, kaya mas gusto kong nasa school dahil nada-divert lahat ng nasa isip ko.

Bad-ass GIRL {editing}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon