Crystal's POV*"Tuleg!" Malakas na sigaw ni Kurt sabay kutos kay John.
"O bakit? Totoo naman a" malakas na sagot ni John.
"Ang panget panget niyan e. Manonood ka na nga lang palabas yung pang bading pa." Sabi ni Kurt. Nagkatinginan naman kami ni Matthew na katabi ko lang at sabay na napailing.
"O baket? Pang bading ba yan? Di naman a. Ikaw kasi yung bading kaya naiisip mong pang bading yan." Sabi naman nito at kinuha ang cd ng everyday na movie.
"Wag kasi yan, ito na lang Mission Impossible." Sabi naman ni Kurt na pilit ding nilalagay ang cd sa dvdplayer.
"Guys, guys, GUYS!!!" Malakas na sigaw ko matapos balewalain iyong dalawang nauna.
"ANO!?" Malakas na sigaw din nila.
"I brought my flashdrive at may mga movie ako dito at kung ako ang magsasuggest yung MEG na lang panuorin natin. Swear maganda siya. Action" i said at nagkatinginan naman sila. Nilabas ko ang flash drive ko iniwagayway sa ere.
"Ee bakit Mission Impossible action din naman a." Sabi ni Kurt na tinuturo turo pa ako gamit ang hawak na cd.
"Pero ilang beses na nating napanuod yan Kurt." Walang buhay na sabi ni Kirk.
"Ano naman ang ganda ganda e." Pag aalburoto nito.
"Maganda nga nakakasawa naman." Sabi ko. Nagulat naman ako ng biglang tumayo si Matthew at kinuha ang flashdrive sa kamay ko at iyon ang sinalpak sa tv.
"Where?" He asked, kaya napatigin ako sa kanya at sa dalawa. Parehas silang napanguso at lumapit sa pwesto namin nila Matthew at Kirk.
"Sa movies." Pagtutukoy sa pangalan ng files ng mga palabas ko. Pindot lang siya ng pindot hanggang sa nakita niya ang isang movie na may nakalagay na MEG.
"Here we go." He said at bumalik sa tabi ko.
Dito kasi kami nakaupo sa sinet nila na higaan kanina bago nangyari ang malagim na digmaan.
"Pakuha nga nun." Sabi ko kay Matthew dahil malapit lang ang sofa sa kanya.
"Oh" sabay abot niya ng...
"Gulay? Bat gulay? Ayoko niyan iyong chips." Bulong ko at binalik ang nakapack na vegetable salad sa kanya.
"Chips? Gusto mo chips?" Nakangiti niya pang bulong din sakin.
"Yuuuup." Nakangiti ring sabi ko.
"Ku--"
"S-syempre naman kailan ko ba inayawan yan, ikaw talaga Matthew o." Kunyaring tuwang tuwang sabi ko habang kuha sa kanya nung gulay. Napatingin ako kay Kurt at kunot noo siyang nakatingin sakin.
"You want?" Malaking ngiting aya ko kay Kurt at umiling naman siya at siningkitan muna kaming dalawa ni Matthew bago muling manuod sa palabas.
"Epal kasi" mahinang sabi ko na masisigurado kong maririnig ng katabi ko.
Narinig ko naman ang bungisngis niya kaya napairap na lang ako sa kawalan saka napilitan kumain ng gulay.

BINABASA MO ANG
Bad-ass GIRL {editing}
AçãoHello everyone! This book entitled The Bad-ass Girl and I as the writer of this book formally announcing that this book will be revising for a new one. To all my former readers please reread this new one but for now, please be patient because revisi...