Crystal's POV**
"Ano bang atraso mo sa mga yun?" Tanong ko sa kanya habang nililinis ang sugat niya.
Nandito na kami sa loob ng restaurant buti na lang talaga ang itsura ng mga upuan dito ay pangsofa.
"S-sa k-kapatid ko"
"Anong sa kapatid mo?"
"M-may atraso ang k-kapatid ko sa kanya."
"Ganun, mga siraulong yun. Ano ba ang pangalan mo?" Agad ko ring niligpit ang mga ginamit kong panglinis sa sugat niya.
"C-charles po"
"Charles?"
"A-arañes"
"Arañes, Arañes ka? Kapatid mo si Lucas?" Di makapaniwalang tanong ko.
"O-opo"
"Ee isa pang sira-ulo yun e. Asarin mo sabihin mo nakasama mo ako ngayon"
"B-bakit?"
"He he baliw na baliw sakin yun e."
"T-talaga?"
"Talaga, hahahaha, kain na" sabi ko sa kanya. Kanina pa kasi nandito ang pagkain, nilinisan ko lang sugat niya.
Matapos ang isang oras ay tumayo na kami at lumabas.
"Ah s-salamat po, a-anong nga po palang p-pangalan niyo?"
"I'm Crystal."
"A-aah sige po, salamat po uli ate Crystal"
"Huwag mo nga akong i-ate."
"A-aah haha sige po. P-paano po aalis na ko."
"Saan ka pupunta?"
"P-pasok na po ako. Hehe male-late na ho kasi ako."
"Sandali nga wag ka nga mag po feeling ko tuloy apakatanda ko na."
"A-aah haha pasensiya na"
"Tara na, tara na. Malelate ka kamo diba? Tara na" sabi ko at inabot sa kanya ang helmet.
BINABASA MO ANG
Bad-ass GIRL {editing}
ActionHello everyone! This book entitled The Bad-ass Girl and I as the writer of this book formally announcing that this book will be revising for a new one. To all my former readers please reread this new one but for now, please be patient because revisi...