Crystal's POV**
Buuuuurp**
Wag kayong ano dighay ko yan.
"Oooops sorry hahahaha." Natatawang sabi ko at napahawak pa sa tiyan.
"Grabe yari na naman ako neto. Nagbabawas ako ng timbang e." Sabi ko at tumayo.
"Tsk, then lessen your food. Kontian mo lang kumain"
"Di ko matiis, ikaw kasi e. Tsaka paano mo ba nalaman na peborit ko yan?"
"I just know"
"I just know, I just know pwe! Di bale ayos lang yan kasi ngayon na lang ulit ako kumain ng marami hahaha" natatawang sabi ko.
"Just be thankful then"
"Diba sabi ko magtagalog ka"
"Tsk" eto si boy-tsk.
'Tsk ng tsk lintian! Anong oras na ba?'
Tumingin ako sa relos at may isa't kalahating oras pa bago ang una kong klase.
"Uy hatid mo ko later ha sa room. Baka maligaw na naman ako e." Sabi ko at bibigyan siya ng matamis na ngiti.
"Bakit ba lagi kang naliligaw?"
"Hehe di kasi ako palatandain ng daan or lugar basta kaya madali akong maligaw or di makita ang hinahanap. Wag kang maingay sayo ko lang nasabi yan dito sa mga tao sa school." Nakanguso pang sabi ko. Nakita ko naman siyang napapailing na niligpit ang mga pinagkainan namin. Kaya lumapit ako sa kanya at tinulungan.
Nang matapos ay kinuha ko ang cellphone ko at tumabi kay Zach.
"Picture tayo dali" pag aya ko sa kanya. Nang itapat ko ng ang phone ay nabwisit ako dahil walang ka-emosyon emosyon ang mukha niya.
"Umayos ka nga" sabi ko at inakbayan siya at nilapit sakin.
"Ayan haha" nakakakailan pa lang kami ay humarap ako sa kanya.
"Sayo naman dali. Peram phone" sabi ko at kinuha niya naman ang phone niya sa bulsa. At katulad kanina ay nagsimula kaming magpicture.
"Ano ba yan!? Ikaw naman maghawak, dali dito tayo para maganda view." Sabi ko at binigay sa kanya ang phone at hinatak sa kabilang gilid.
BINABASA MO ANG
Bad-ass GIRL {editing}
AkcjaHello everyone! This book entitled The Bad-ass Girl and I as the writer of this book formally announcing that this book will be revising for a new one. To all my former readers please reread this new one but for now, please be patient because revisi...