Chapter 27

1.6K 34 3
                                    

Crystal's POV**

Kahit mamaya pa ang klase ko sa hapon ay agad na akong naligo at nag-ayos at bumaba. Wala sila pagbaba ko kaya dumiretso na ako sa campus.

"Ano naman ang gagawin ko ngayon?" Pagtanong ko sa sarili ko, umupo na lang ako sa bench sa may soccer field at naglabas ng sketch pad.

Nilibot ko ang paningin ko at naghanap ng pwedeng iguhit.

Pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng nakakita ako ng familiar na mukha.

"Matthew?"

Siningkit ko ang mata ko para makita ng mabuti at sakto naman na napatingin siya sa gawi ko.

"Matthew" sigaw ko, tumayo ako at tumakbo papunta sa kanya. Bumuka naman ang braso niya na parang inaantay ang yakap ko. Mabilis akong tumakbo sa kanya at nang makalapit ay tumalon at niyakap siya.

"Matthew hahaha" humiwalay na ako sa yakap at hinawakan ang mukha niya.

"Hahaha Matthew ikaw nga hahahahaha" tuwang tuwang sabi ko at pinaling paling pa ang ulo niya.

"Yiiiiieeeeeeeeeeeee" napatingin ako sa likod ko ng marinig ang boses na yun.

"Kurt, Kirk, John waaaaaaaah nandito na rin kayo" tuwang tuwang sigaw ko at isa-isa silang niyakap.

"Yieee baby girl, navideo ko yun" sabi ni Kurt na nakataas pa ang kamay na may hawak na cellphone.

"Hoy, burahin mo yan" kunyaring inis na sabi ko.

"Ayoko" sabi niya na umiiling iling pa.

"Kuuuuuuurt" parang batang sigaw ko na may kasama pang pagpadyak ng paa.

"Matthew i-Dawn Zulueta mo ako. Ahhahahahahahah putsa laptrip" pang aasar niya pa.

"Kuya Kirk oh" pagsusumbong ko kunyari. Lumapit naman sakin si Kirk at inakbayan ako.

"Hay nako, tara kain tayo dun" he said and pointed the bench kung saan ako nakaupo kanina.

"Tara" sabi ko. Nang makalapit kami dun ay duon ko lang din napansin na may hawak si John na basket.

"Ano meron? Picnic?" Kunyaring natatawang sabi ko.

"Kakain lang picnic na agad tsaka wag kang makulet diyan paborito mo lahat yan" nakangusong sabi ni John.

"Talaga?"

"Ow yes" sagot nito. Inayos nga nila ang mga tupperware sa harap ko. Tatakpan ko sana ang gilid ng mata ko dahil sa sinag ng araw ng biglang may aninong humarang. Pagkatingin ko ay nakita ko si Matthews.

Pigil ngiti akong tumingin sa pagkain dahil ang gwapo niya at dahil dun nakadagdag ang araw sa kagwapuhan niya.

"Kain na" napunta ang atensiyon ko sa mga paborito kong pagkain sa harapan ko..

"Mmmm, siguro kayo lang dapat kakain noh" biro ko. "Tapos nakita niyo lang ako dito"

"Abnoy ka ba, diba paborito mo yan, ibig sabihan i-susuprise ka namin. Buti na lang talaga at naisip ni Matthew na baka nandito ka dahil mahilig ka sa tahimik na lugar" sabi ni Kurt, muli na naman akong napatingin sa gilid ko at bumilis ang tibok ng puso ko.

"Hehe" kinikilig na pigil na tawa ko.

'Alam niyo yung feeling na ganito bwahahaha, kinikilig ako shet'

"Yieeeee kilig ka naman" sabi niya tapos pinakita sakin iyong video ko.

"Shocks" nandiri ako dun sa part na tumakbo talaga ako ng mabilis at tumalon papunta kay Matthew ito naman si Matthew ay tumatawa lang.

Bad-ass GIRL {editing}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon