Crystal's POV**
Nagising ako na nakaupo sa isang damuhan. Tumayo ako at pinagpagan ang pantalon.
"Anong ginagawa ko dito?" Pagkausap ko sa sarili ko. Nilibot ko ang paningin ko at sinimulang maglakad.
Hanggang sa may nakita akong babae na sa tingin ko ay mas bata ng kaunti kila mom na naghahanda ng pagkain sa damuhan.
'Di naman talaga sa damuhan, may tela naman. Picnic ganern'
"Mga anak Therence, halina kayo't handa na ang pagkain." Nakangiting sigaw nito.
"Hahahahahaha" rinig kong tawa mula sa di kalayuan. Hinanap ko ito at nakita ang isang lalaki na sa tingin ko ay asawa ng babae, at may buhat buhat siyang batang lalaki.
Napangiti ako dahil sa nakakahawang mga ngiti nila.
"Hahahahaha" muling pagtawa ng bata habang nilalapag siya ng kanyang ama. Pinanliitan ko ng mata ang dalawa upang makita ng maayos. Nang makalapit sila ay naupo at tumingin sa kung saan ng sundan ko ito ay halos malagutan ako ng hininga nang makita ang sarili sa di kalayuan na naglalakad palapit dito.
'Anong!?'
Pabalik balik ang tingin ko sa pamilya at ako nung bata pa.
'What the hell is this!?'
Nanlaki ang mata ko nang biglang tumingin sakin ang batang ako at kumaway na nakangiti. Pumikit ako ng matagal hanggang sa....
"Crystal, crystal crystal" dahan dahan kong dinilat ang mata ko at nakita si Valerie sa may gilid ko.
"Valerie?" Di makapaniwalang tanong ko.
"Ayos ka lang ba?" Halata sa mukha niya ang pag alala sa tanong niya.
"Nasan yung?"
"Ang alin?" Muli nitong tanong.
"Y-yu-- nothing, wala wala." Sabi ko na napapailing pa. Bumangon ako sa pagkakahiga ko at inalalayan niya naman ako. Umupo ako ng maayos at ngayon ko lang nakita na nakaupo sa sofa sila Frea na nakatingin sakin.
"Ayos ka lang?" Tanong nila at lumapit sa akin.
"Bakit nandito tayo?" Tanong ko. Nilibot ko ang paningin ko at muling tumingin sa kanila.
"Nakalimutan mo?" Tanong ni Frea.
'Obvious ba?'
"Ano ka ba Frea?" Pagsaway sa kanya ni Winter. "Si Zachary ang nagdala sayo dito." Baling niya sakin.
Napatulala namam ako sa mukha niya at inalala ang sinabi niya.
Bigla akong napatakip sa bibig ng maalala na nasuka pala ako kanina at nahilo at ang huling kasama ko ay si Zachary.
"Anong nangyare sakin?" Muli kong tanong.
"Huh?" Tanong uli ni Frea.
"I mean, bakit ako nagkaganito?" I asked again.
'Sana hindi ulcer!'
"Zachary told us that you have gastric ulcer and why is that?" Biglang arangkada ni Richelle.
"H-huh? Ah hahaha kasi" napakamot pa sa ulong sabi ko. "Kasi ano, nagpapalipas ako ng gutom haha para sa taekwondo kasi e." Ngiting hilaw na usal ko.
'Bakit ba ko nagpapaliwanag sa kanya. Tch!'
"I already told you before, tigilan mo yan dahil ayan ang mapapala mo we all kno--" di niya natapos ang sasabihin niya dahil tinakpan ni Winter ang bibig niya.
BINABASA MO ANG
Bad-ass GIRL {editing}
ActionHello everyone! This book entitled The Bad-ass Girl and I as the writer of this book formally announcing that this book will be revising for a new one. To all my former readers please reread this new one but for now, please be patient because revisi...