Chapter 55

143 5 2
                                    


"You have to go back to school and pretends nothing happened, pretends that you doesn't know anything. Kumilos ka kung ano dapat ang kilos ng isang Crystal, ipakita ang nararamdaman ng dating ikaw. Understood?"

Minulat ko ang mata ko at tinitignan ang sarili sa salamin. Inalala ang sinabi ni Daddy.

"Wala ka pa ring alam, nagalit ka kay Zachary yun lang." Pagkausap ko sa sarili ko.

"Now you have to face everyone and tell them that you found out about the girl na kamukha mo." Muli akong tumango habang nakatingin sa salamin.

"Pero ako nga pala yun." Natigilan ako sa sinabi ko at umiling.

"Mali, hindi nga nila alam na alam mo na."

"Kahit na kakaunti pa lang ang naaalala ko, bakit pakiramdam ko sobra kong excited na pumasok ngayon."

"Baka dahil pakiramdam ko talaga parte sila ng buhay ko matagal na" pagsagot ko rin sa sarili ko.

"Eeew, masyadong cheesy, kadiri, hindi bagay." Kumulot ang buong mukha ko at napakamot sa baba ko dahil sa mga sinasabi ko.

"Baliw ka na Crystal, baliw ka na."

Tumayo na lamang ako sa kinauupuan ko at lumabas, sakto naman na narinig ko ang kotse ni Han.

Kaya agad akong lumabas at sinalubong siya.

"Ano tara? Kinakabahan ka ba?" Tanong niya. Napangiwi naman ako sa kaniya.

"Kinakabahan? Bakit ako kakabahan?" Takang tanong ko.

"Dahil kay Zachary, diba nilayasan mo siya nung nakaraan." Sagot naman nito.

"Tyaah, hindi ako kinakabahan, natatawa nga ako. Ano namang pagseselosan ko pala, e sarili ko lang din yun." Rason ko. Sumakay naman ako sa kotse niya at hinantay siyang makasakay rin bago muling magsalita.

"Kahit na sabihin nating, dapat niyang magustuhan ay yung ako talaga hindi yung Skylar nuon. Hindi ba't ibig sabihin lang din nun ay hindi nagbago ang pagmamahal niya para sakin?" Pahayag ko.

"Pero paano kung may nakita siyang iba na kamukha mo rin, tapos minahal niya dahil kamukha mo." Napatingin naman ako sa kanya dahil sa sinabi niya.

"De ibig sabihin nun ako yung mahal niya hindi yung babae." Nakangusong usal ko at tinawanan niya lamang ako.

"Pansin mo ba?" Biglang tanong ko.

"Ano?" Tanong niya na tumingin pa sakin tapos ay binalik sa harap ang tingin.

"Lalo akong gumaganda." Sabi ko. Para naman siyang nabilaukan kahit wala namang kinakain o iniinom.

"Joke lang grabi to, ang tanong ko pansin mo ba, ang weird ng buhay ko?" Bigla namang sumeryoso ang atmosphere kaya napatingin ako sa kanya.

"Siguro isang akong mamamatay tao nung unang buhay ko no, tapos ito yung karma ko." Biro ko.

"Baliw" usal niya at natawang umiling pa.

Umiling na lang din ako sa sinabi ko at tumingin sa labas.

Ngayon na alam ko na ang lahat pakiramdam ko ay nakahinga ako ng maluwag ngunit naruon pa rin yung kaba at takot sa buhay ko. Para bang nasa loob ako ng isang pelikula na hindi ko alam kung ako ba ang bida o ang kontrabida.

Hindi kasi kapanipaniwala na nalaman ko yung mga nangyari at mga mangyayari sa isang gabi matapos yung ilang taong tanong ko sa sarili ko at sa buhay ko, yung napakalaking tanong, na matagal ko nang inaasam na masagot. Kung ano ano pa ang ginawa ko para masagot pero matatapos sa isang gabi lang.

Bad-ass GIRL {editing}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon