"Your biological father"
Nang marinig iyon ay napaatras ako sa kinauupuan ko. Napabitaw sa kamay ng ina ko at yumuko.
"My, my father" kumunot ang noo ko at dahan dahang napatingin kay dad.
Ngumiti naman siya sakin at pinunasan ang kanyang luha.
"Dad" nanginginig na usal ko. Ibubuka na sana niya ang kanyang bibig nang marinig namin ang pagbukas ng pinto sa kanan. Bigla ay huminto ang mundo ko.
Napagtanto ko na nakatingin na si mom and dad sa kanan while I'm still looking at them, nagdadalawang isip kung susundan ang kanilang paningin.
Ramdam ko ang panginginig ng labi ko at kamay ko. Huminga ako ng malalim saka dahan dahang lumingon.
Una kong nakita ang pintuang kulay itim ibinaba ko ang paningin ko at duon ko nakita ang lalaking nakangiti at umiiyak.
Bigla ay nakita ko ang isang imahe ng isang buong pamilya, kasama ako.
"Kasama ako" biglang usal ko, ramdan ko na tumingin silang lahat sa akin.
"Ano yun anak?" Tanong ni mom. Napatingin ako sa mga palad ko at pilit na pinigilan ang mga luha. Nilakihan ko ang mata ko at tumingin sa taas.
Muli akong tumingin sa lalaki.
"Hindi ikaw iyon." Sambit ko, nilagay ko ang kanang kamay ko sa dibdib, pagturo ko sa sarili ko.
"Naalala ko lahat, nakita ko lahat." Usal ko at paulit ulit na pinalo ang dibdib ko gamit ang kaninang kamay na nakapatong lang dito.
"Hindi ka kasama ruon." Muli kong sambit para akong baliw na paulit ulit na sinasabi iyon.
"Anak, anak" pagtawag sa akin ni mom, napatingin ako sa kanya ngunit parang hindi sa kanya nakatingin. Na parang duon ako nakatingin sa imaheng nakikita ko.
"Anak" ramdam ko ang kamay ni mom sa braso ko at paulit ulit ako inaalog upang bumalik ako sa aking sarili.
Ngunit bigla ay nanigas ako sa kinauupuan ko nang makita ang gabing iyon. Nuong gabing mawalay ako sa pamilya ko.
"Ako ang kailangan niyo kaya ako ang masusunod" matapang na bigkas ko.
Nakita kong pag ngisi niya at pagsenyas na bitawan na ito. Nang mabitawan nila ay agad na tumakbo ang kakambal ko sakin at sinalubong ko ito ng yakap at hudyat ng pagkuha ko ng baril sa loob ng damit ko at pag baril sa kanila pero daplis ang lang ang tama ng isa kaya binaril ko uli ngunit wala ng bala at huli na ang lahat kaya tumalikod na lang ako para ako ang matamaan ng bala at hindi ang kayakap ko.
Maya maya ay naramdaman ko ang pagkamanhid ng katawan ko at kusang pagtumba nito at naramdaman kong sinalo ako ng kambal ko.
"A-anak hindi"
"A-ate, kambal"
"Shhhhh" pagpapatahan ko dito habang nakapikit.
"Bwisit, tabi" naramdaman ko ang pagkuha sakin mula sa yakap ng kambal ko at pagbuhat niya. Ang takbong sobrang bilis.
"Anak!!" Bigla akong nagbalik sa wisyo ko nang marinig ang malakas na boses ni mom.
"Mom" bigkas ko, nanlalaki pa ang mata at mabilis ang tibok ng puso habang tinititigan siya.
"Anak, are you okay, what is happening to you?" Aligagang tanong niya, at pinunasan ang pisngi ko. Napahawak naman ako sa pisngi ko at nang makita ang luha sa kamay ko ay muli akong napatingin sa kanya.
BINABASA MO ANG
Bad-ass GIRL {editing}
AksiHello everyone! This book entitled The Bad-ass Girl and I as the writer of this book formally announcing that this book will be revising for a new one. To all my former readers please reread this new one but for now, please be patient because revisi...