Chapter 9

2.6K 54 0
                                    

Crystal's POV**

"Saan ka na pagkatapos nito?" Tanong ni Alex habang nag aayos kami ng gamit.

"Ewan" sagot ko naman. At saktong pagvibrate ng phone sa bulsa ng pantalon ko.

"Ay wait." Sabi ko at kinuha ang phone sa bulsa.

"Hello, who's this?"

[Si Frea toh. Sabay ka samin maglunch diba]

"Ah oo nga pala. Sige saan ba?"

[Dito tayo sa el Perial Restaurant. Sa susunod na tayo magcity]

"Sige, papunta na ko."

[Sige bye. Hintayin ka namin dito]

"Sige sige bye." Pagkatapos ay agad ko nang binaba ang tawag

"Saan ka na ngayon?" Tanong ni Alex na ngayon ay nasa tabi ko lang.

"Sa el Perial ako. Saan ka ba?" I asked.

"Dun din ako. Tara sabay na tayo." Sabi nito. Tumango na lang ako at sumunod sa kanya.

"May ka meet up ka ba?" I asked.

"Oo mga kaibigan ko." Sabi nito. Tumango na lang ako at hindi na nagsalita.

Nang malapit na kami ay kinuha ko ang phone ko at hinanap ang number ni Frea sa phone history ko. Nang nahanap ko na ay agad ko rin itong tinawagan.

[Nasaan ka na] bungad niya sakin.

"Papasok na ako. Saang banda kayo?" I asked. Tapos ay pumasok na kami sa loob.

[Sa may bandang gitna yung may pinakamahabang lamesa.]

"Saan?" Tumingin ako bandang gitna at sakto naman na nakita ko si Frea na kumakaway. Napatinin pa ako sa mga lalaking nakatalikod mula sa amin di ko na lang ito pinansin at agad kong binaba ang phone at bumaling kay Alex.

"Saan ka? Dito na kasi ako e." Sabi ko sa kanya.

"Ahh kasama mo ba sila Frea?" Tanong nito.

"Oo, sila rin ba kasama mo?" Gulat na tanong ko.

"Oo tara" nakangiting pagyaya niya sakin. Paglapit namin dun ay nakita na ako nila Valerie dahil nakaharap sila sakin samantalang ang mga lalaki ay nakatalikod sakin.

"Alex? magkasama kayo?" Malakas na tanong ni Winter habang nakaturo samin. Kaya sabay sabay na napalingon samin ang mga kasama nilang lalaki.

Bad-ass GIRL {editing}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon