Crystal's POV**
"Wag kayo maingay baka pagalitan ako ni ser." Sabi ko sa kanila.
Buti na lang at nakinig ang iba at tumahimik. Yung iba ay patuloy pa rin sa pag iingay.
Pero after din ng ilang minuto ay nag ingay na naman ang lahat. At narinig ko naman ang nakakabwusit na ngisi ng katabi ko.
'Lintik na nilalang na to'
Napakunot ako ng noo na inis na tumingin sa kanya.
"Epal ka" inis na bulong ko sa kaniya.
Di siya sumagot at ngumisi lang. Inirapan ko na lang siya at tumingin sa iba.
"Oy guys, wag kayong ma.i.ngay. Ano ba?" Inis na sigaw.
Buti na lang natahimik ang lahat sakto na dumating si ser.
"Ang tahimik ah. Very good Crystal." Nakangiti na sabi ni ser.
"No problem ser." Sabi ko at tinanguan niya naman ako.
Discussion...
Discussion...
Discussion...
Dismissal...
Matapos ang tatlong oras ay natapos din ang klase namin at ngayon ay mag isa akong naglalakad papunta sa MabCon tawag sa parang hotel na tinutuluyan ng lahat.
'Tch! Ewan ko ba nagutom ako bigla sa klase ni ser, nakakagutom yung subject niya hahaha.'
Nang makarating ako sa kwarto namin ni Valerie ay agad akong dumiretso sa kwarto at nagbihis. Pagkatapos ay bumaba at pumuntang kusina. Nang makarating dun ay naabutan ko si Frea na kumakain ng tinapay habang naglalaptop.
"Oh Crystal nandiyan ka na pala. Dito muna ako ha. Haha nasanayan na kasi namin na dito mag antayan e. Ayos lang ba?" Sabi nito.
"Oo naman" sagot ko na lang.
"Sige salamat. Kain?" Alok niya sakin.
"No thanks, magluluto na rin ako dito na rin kayo kumain dadamihan ko na."
"Talaga? Sige sige salamat. Sabihan ko na sila ha?"
"Mmmm"
Nagsimula na akong ihanda ang mga ingredients at hiwain ito.
'Caldereta na lang para masarap haha'
"Alam mo yung kaibigan ko dati bata pa lang yun sinanay na ng mom niya magluto at magbake na rin" napatingin ako kay Frea nang bigla siyang magsalita.
BINABASA MO ANG
Bad-ass GIRL {editing}
БоевикHello everyone! This book entitled The Bad-ass Girl and I as the writer of this book formally announcing that this book will be revising for a new one. To all my former readers please reread this new one but for now, please be patient because revisi...