Chapter 29

1.5K 31 5
                                        

Crystal's POV**

"Ano bang floor niyo?" Tanong ko ng makasakay kami sa elevator ng building nila.

"4th" pagsagot ni Matthew. Tumango naman ako at sumandal sa gilid.

"Are you okay?" Napatingin ako sa kaliwa ko nang marinig ang boses na iyon.

"Im okay Matt, bakit?" I asked.

"Nothing para kasing bigla kang nanlata." He said ngumiti naman ako sa kanya at tumingin sa sahig. Nang sakto naman na tumunog na ang elevator hudyat na makakalabas na kami.

Nang bumukas ang pinto ay agad din naman kaming lumabas. Naramdamin ko rin ang akbay ni Kurt.

"Tara" he said ilang hakbang lang ay huminto rin sila kaagad dahil malapit lang pala sa elevator ang kwarto nila. Pumasok ako sa isang kwarto kung saan ay hindi naman nalalayo ang itsura sa kwarto namin ni Valerie. Ang pinag kaiba lang ay itsurang panlalaki talaga sa kanila wala kang makikitang bahid ng pagkababae.

"Kaninong kwarto to?" I asked.

"Sa amin." Pagsagot ni Matthew
and again I just nodded. Binagsak ko ang sarili ko sa sofa at pumikit.

"Hayy" -ako

'Makakapagstay din ako sa isang kwarto ng mapayapa.'

"Kain muna tayo, nagluto ako kanina bago ka namin sunduin. Tara." Matthew said at hinila ako patayo sa sofa.

"Anong niluto mo?" I asked nang makatayo ako. Lumundag ako sa likod niya at sinalo niya naman ako, dahilan para mukhang akong nakapiggy back ride sa kanya.

"Sinigang na baboy" sagot nito. Nang makarating kami sa dining area ay agad din akong binaba ni Matthew  sa bar stool na naroon.

"Naaamoy ko ha." Sabi ko na sumisinghot singhot pa.

"Timpla ko juuuuuice" sabi ko.

"Meron naaaa" sabi ni John na ipinakita pa sakin ang pitsel.

"Sabi mo e. Sooooo?" Magtatanong pa sana ako kung ano pang kulang pero nagkanya kanya na silang upo.

"Wait bago to ha, ngayon lang ako kakain na kayo naghanda hahahahah." Natatawang sabi ko.

"Oo nga ginawa mo pa kaming yaya mo." Sabi ni Kurt.

"Bisita niyo ko kaya nararapat lang yan." Sabi ko.

"Anong bisita, baka bwisita." Sabi ni John na sumasandok ng kanin. Dinilaan ko lang siya at humigop ng sabaw. Pagganitong may sabaw ang ulam namin lagi kaming may kanya-kanyang mangkok.

Matapos ang ilang segundo ay biglang nagsalita si Kirk.

"Are you okay with your room mate Crystal?" He asked, napaangat ako ng ulo at kunot noo akong tumingin sa kanya.

"Bakit?" I asked pero hindi siya sumagot

"We're fine." sabi ko at tumango naman siya.

"Hey guys, cheer up! Wala akong kaaway." I said nang mapansing nawala sila sa mood.

"Wait guys, Is it still me or something happened?" I asked at napakunot naman ang mga noo nila pwera kay Matthew na walang reaksiyon.

"Hey, nababadtrip na ko. Ano ba kasi yun?" I asked irritatingly at pabagsak na nilapag ang kutsara't tinidor.

Magsasalita pa sana ako ng biglang tumawa si Kurt.

"We're just kidding. Kain na hahahaha." Natatawang sabi pa nito, napatingin ako sa iba at tumatawa na rin sila ngunit si Matthew ay nakangiting umiiling lang.

Bad-ass GIRL {editing}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon