Crystal's PoV**
Nang makaalis si Wayne ay agad din akong nagpalit ng simpleng damit at lumabas para kuhanin ang naiwang bike.
Habang naglalakad ay biglang pumasok sa isip ko iyong napag usapan namin ni Wayne kanina.
Ilang araw na rin ang nakalipas nang magkausap kami nila Valerie at humingi ng pasensiya sa isa't-isa at walang halong ka-hipokritohan totoo nagsisisi ako sa mga sinabi ko. Mabilis kasi ang bibig ko, mga hindi na kasi magaganda yung nasasabi ko sa oras na mainis ako.
Hindi ko alam ang pakiramdam dahil di ko pa naman nararanasan iyon pero yung pinapakita ng mga mata nila kapag napag uusapan ang kaibigan nilang babae.
Hindi ko nga alam ang pakiramdam pero sa tuwing naiisip ko pakiramdam ko nasasaktan ako, siguro dahil ito sa mga napapaniginipan ko na pakiramdam ko talaga ay alaala ko nung bata pa ako.
Malakas na buntong hininga ang ginawad ko bago ako tuluyang pumasok sa loob ng children's park.
Agad kong tinanggal sa pagkakakadena ang bike ko at agad na pinedal ito papunta kila Kurt. Malapit lang naman ito sa amin kaya hindi na ako mamomroblema.
Nang makarating ako sa kanila ay agad din akong pinapasok ng guard dahil nga kilalang kilala ako rito.
Napahinto ako saglit ng makita ang kotse nila auntie sa loob. Agad nangunot ang noo ko at pumasok sa loob.
Wala akong nakitang tao sa sala kaya dumiretso ako sa kusina at nakita ko sila roon kasama sila Kurt at Kirk pati na rin si uncle.
"Auntieeeeeeee" i said prolonging the word. Sabay sabay pa silang napatingin sakin.
"Uncleeeeeee" lumapit ako sa kanila at parehas silang hinagkan.
"Nandito na kayo, kailan po kayo dumating bakit di ko nainform." Sabi ko sabay tingin kay Kurt at Kirk at parehas silang umiwas ng tingin.
"Hahaha halika rito at tikman mo ang spaghetti ko." Sabi niya sabay lahad ng kamay at agad kong hinawakan ang kamay niya at kinuha ang tinidor na hawak hawak ni Kirk.
"Hmmmm, wala ka talagang pinagbago auntie" sabi ko pagkatikim ko rito.
"Talaga?" Masayang tanong nito.
"Opo naman" sabi ko at nag-ikot pa ng isa sa tinidor.
"Teka hahaha hahainan ko kayo, maupo na muna kayo duon kasama ni Alexander." Sabi nito at tinulak tulak pa ako saka pinalo sa puwetan.
Naupo naman ako duon kasama ang dalawa.
"Kamusta uncle? Nako lalo tayong pumopogi a, baka madagdagan itong dalawang nilalang dito, tapos babae naman kambal din para naman may kakampi na ako." Pang-uuto ko rito.
"Hahahah nako Crystal tama na ang dalawang yan at sa kanila palang mas lalo akong tumatanda. Mga isip bata" nakangiting sabi niya na may halong pang aasar sa dalawa.
"Ayan si Crystal ang isip bata di kami." Sabi ni Kirt at sinang ayunan naman ng isa.
"Talaga lang." sabi ko at tinutok sa kanila ang tinidor na hawak ko.
BINABASA MO ANG
Bad-ass GIRL {editing}
ActionHello everyone! This book entitled The Bad-ass Girl and I as the writer of this book formally announcing that this book will be revising for a new one. To all my former readers please reread this new one but for now, please be patient because revisi...