Chapter 21

1.7K 45 0
                                    

Crystal's POV**

"Ha!" Isang malakas na buntong hininga ang ginawa ko ng makaupo ako sa upuan. Malapit na kasi akong malate nang makarating ako dito. Para sumakto ang oras ng pasok ko sa room ay tinakbo ko mula parking lot ng MabCon namin hanggang dito sa room.

'Kaya hiningal ako ng ganito, shetty!'

Yumuko muna ako saglit sa desk ko at hinawakan ang tiyan ko.

'Shit ang sakit ng tiyan ko.'

"Good afternoon class I know I've told you last week that we're going to have our activity outside but because of some conflict in the schedule we will postpone it." Napabangon ako sa pagkakayuko ng may nagsalita sa harap.

'Eto siguro si Coach Cezar'

Magsasalita na sana si Coach ng biglang may kumatok.

"Coach" tawag mula sa labas.

"Yes?" Tanong niya sa lalaking kumatok. Maya maya ay tumango si sir at bumaling samin. "Class bring out your pads. And read your last week lesson, make sure you can  answer all my questions later." Sabi nito at agad na lumabas.

Kinuha ko naman ang maliit kong pad sa bag at nilapag sa desk.

'Wala akong lecture bago lang ako dito!'

Yumuko na lang ako ulit sa desk at piniga ang tiyan ko. Sobrang sakit ng sikmura ko. Para akong nasusuka na hindi makahinga.

"What's the matter?" Napaangat ako ng ulo ng may bumulong sa kanan ko.

'Zach!?'

"D-di naman ikaw katabi ko kanina ah." Napaturo pang sabi ko sa kanya.

Pero di niya ako pinansin at bumaba ang tingin sa tiyan ko.

"N-nasusuka ako at hindi makahinga." Medyo nanginginig na usal ko dahil sa nararamdaman ko.

"Come with me" biglang sabi niya at kinuha ang braso ko ng dahan dahan.

"Ano? Bakit?" Nagtatakang tanong ko.

"Prof" tawag niya dito pagkalabas namin tapos ay lumapit dito at bumulong. After a few seconds Coach nodded to Zach and looked at me and smiled.

"Sige, your now excuse to my class." Sabi nito. Tumango naman si Zach at hinila na naman ako.

'Shit!'

Napahawak ako sa tiyan ko ng maramdaman kong masusuka ako. Sakto naman na nakita ko ang banyo sa tabi ng isang room kaya agad kong hinila ang braso ko mula kay Zach.

"Hey" rinig ko pang sigaw nito bago ako tuluyang makapasok sa banyo. Pero di ko ito pinansin at agad akong dumiretso sa isang cubicle at sumuka duon.

'Letse, ang sakit sa lalamunan'

"Miss? Are you okay?" Rinig kong sabi sa likod ko at hinaplos pa ang likuran ko. Nang matapos akong masuka ay finlash ko ang bowl at agad na dumiretso sa lababo at naghilamos.

"Ok kalang ba ate? Gusto mo tawagin ko yung kasama mo?" Tanong niya kaya napatingin ako sa kanya. Magsasalita na sana ako ng nakaramdam ako ng pagkahilo.

"Ate? Ateee?" Rinig ko pang sigaw ng babae bago ako tuluyang mawalan ng malay.

Zachary POV**

'Until now, I'm still worriedly waiting for her.'

"Ate, ateeeee" napaharap ako sa pinto ng marinig ko ang sigaw na yun. Nagulat ako ng may lumabas na babae kaya napaatras ako.

Bad-ass GIRL {editing}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon