Crystal's POV**
"Si ate Crystal?"
"Shhhh wag kayo maingay"
"Manahimik nga kayo si ate Crystal nandiyan"
"Nakakatakot yan magalit"
"Ano to? Bakit ganito? Bumalik na naman kayo sa dati" kunyaring inis na sigaw ko at nakapamewang na kinunutan pa sila ng kilay.
"Diba dati sinabihan ko na kayo, ikaw?" Turo ko dun sa president ng fans club nila.
"Po?"
"Ikaw yung presidente nila diba?"
"O-opo"
"Nakalimutan mo na ba?"
"H-hindi p-po?"
"Then bakit nauulit na naman to?"
"P-pasensiya na po a-ate Crystal"
"Pasensiya, pasensiya, kayo yung mga bago. Ang unang rule dito ay bawal humarang sa pinto. Naiintindihan niyo ba?"
"Bakit sino ka ba?" Napatingin ako sa isang babae dahil dun sa sinabi niya.
"Huy sino yun?"
"Ang bastos naman nun"
"Patahimikin niyo nga yan, nakakahiya"
"Oo nga, nakakahiya kay Ate Crystal"
"Ano ba girl si ate Crystal yan"
"Quiet, quiet girls hayaan niyong ako ang magpakilala." Sabi ko at lumapit dun sa babae.
'hindi ko alam pero natatawa ako na nawiweirduhan dun sa sinabi ko. Alam niyo yung mga corny na linyahan sa palabas, hahahaha ang panget ko shet'
"Are you a transferee?"
"O-oo bakit?"
"Hmmm, that's why your attitude is very rude"
"B-bakit sino ka ba? A-ano ka ba dito?"

BINABASA MO ANG
Bad-ass GIRL {editing}
БоевикHello everyone! This book entitled The Bad-ass Girl and I as the writer of this book formally announcing that this book will be revising for a new one. To all my former readers please reread this new one but for now, please be patient because revisi...