Crystal POV*
Ilang minuto na siguro ang lumipas ng nagpaalam si Alex na aalis na siya dahil may klase na siya.
At ilang minuto na rin siguro ang lumipas na nakatitig ako kay Zachary.
"Hoy ano kasi buong pangalan mo?" Inis na tanong ko. Pero di niya pa rin ako sinasagot at kahit tingnan man lang ay hindi rin magawa.
"Aiiishh" inis akong napakamot sa ulo ko at hinampas ang lamesa.
"Sabihin mo na" lumapit na ako sa kanya at winawagayway ang braso.
"Pangalan pangalan pangalan pangalan" paulit ulit kong niyugyog ang braso niya.
"Bakit ba!?" Inis na rin na tanong niya. Ngumisi naman ako ng malaki sa kanya.
"Bwhahaha tinatanong pa ba yan. Ang gwapo mo kaya. Ang swerte mo nga e minsan lang ako mapogian sa isang lalaki." Pagmamalaki ko pa sa kanya.
"Tch, pakielam ko" bulong niya.
"Sige na kasi" pagpupumilit ko. Muli kong nilapit ang mukha ko sa kanya. Pero pinipilit niyang nilalayo gamit ang kamay niya.
"Mmmm" 'sabihin mo na bwahahah'
"Tsk, Zachary Crawford. Masaya kana?" Parang napipikong sabi niya.
"Aigooo yun lang pangalan mo walang second name?" Tanong ko pa.
"Si Wayne." Sabi niya.
"Wayne? Anong si Wayne? Wayne second name mo?"
"Tch si Wayne lang may second name saming lahat." Inis na sabi niya.
"Mmm ganon, masaya ka naman sa pwesto natin?" Konting batok na lang kasi sakin ay mahahalikan ko na siya.
"Tsk lumayo ka ngaaa?" Parang napipikon na sigaw niya na talaga.
"Hahaha" natatawang tumayo naman ako at umupo sa kaharap niyang upuan.
"Anong edad mo na?" Tanong ko ulit.
"Bakit ba ang kulit mo?" Inis na tanong niya tapos ay biglang tumayo at naglakad agad ko naman siyang hinabol at kinulit.
"Dali na edad lang e. Eto si boy kunot oh" sabi ko ng mahabol ko siya. Niyapos ko naman ang kamay ko sa braso niya ng mahigpit pilit niya naman itong tinatanggal.
"Ano ba!?"
"Naiinis ka? Wala ko pake sabihin mo na kasi. Bahala ka di talaga ako titigil."
BINABASA MO ANG
Bad-ass GIRL {editing}
ActionHello everyone! This book entitled The Bad-ass Girl and I as the writer of this book formally announcing that this book will be revising for a new one. To all my former readers please reread this new one but for now, please be patient because revisi...