Crystal's POV**
Naghahanda na ako ngayon sa pag-uwi ko. Nagbihis lang ako ng denim na long sleeves at white pants and white shoes.
Nang matapos ay kinuha ko na ang sling bag at susi ng motor ko pagkatapos ay agad ding lumabas ng kwarto. Sakto naman na lumabas din si Valerie sa kanyang sariling kwarto.
"Oh Cry's aalis kana?"
"Yep"
"Sige, take care." sabi nito. Tumango naman ako at bumaba na. Bubuksan ko na sana ang pinto ng kusa itong bumakas.
'Wag ano'
Pumasok si Frea at kasunod naman si Winter at Richelle.
"Papasok ka na?" Si Frea.
"Huh? Hindi ha, aalis ako. Pano bye na."
"S-sige, ingat" sabi nito. Kumaway na ako at lumabas na.
Agad akong dumiretso sa elevator at pumasok dito. Nang napress ko na ang number one ay pumwesto na ako sa gitna. Maya maya lang din ay bumukas ito kaya agad na akong lumabas at dumiretso kung saan nasaan ang garahe ng mga motor.
Hinanap ko ang motor ko at agad ko naman itong pinaandar. At lumabas sa school, pinaharurot ko ito hanggang makarating sa Empire huminto ako saglit sa isang candy shop at bumili dun ng mga chocolates.
"Good morning ma'am"
"Good morning, miss meron ba kayong wiggles? Yung pack na siya"
"Yes ma'am, here, we have different flavor, chocolate, caramel, yema and dark chocolate coated."
"Mmm, all flavors please 3 packs each."
"Yes ma'am" habang hinihintay ay tumingin tingin muna ako sa iba pang mga candy.
"Ooow" nakita ko kasi yung parang malaking lollipop na flat siya. Di ko kasi alam tawag dun. Marami siyang mga hugis may flower, heart, circle. Madalas na binebenta kapag valentines.
Kumuha ako ng tig-iisang shape at lumapit uli sa counter.
"Miss, eto rin" sabi ko at binigay iyon.
"How much miss?"
"1013.72 po"
"Here"
"Here's your candy ma'am."
"Thank you" sabi ko at lumabas na, dumiretso naman ako sa motor ko at sinabit ang paper bag. Bago ko paandarin ay binuksan ko muna yung yema flavor at kumuha ng isa at binalik sa paper bag at hinayaang nakabukas para makakuha ako habang nagpapatakbo ng motor.
'Ang sarap'
Kinuha ko ang bluetooth earphone sa tenga ko at kinonect sa cellphone ko at nagpatugtog ng kanta. Sinabit ko muna ang helmet sa kaliwang braso ko. At nang ayos na ang lahat ay pinaandar ko ang motor ko at pinatakbo to.
Nang makalabas ako ng empire ay pinaharurot ko ang motor ko para makarating agad sa highway.
Habang nagbabiyahe ay kuha ako ng kuha ng wiggles ko. At napapa head bang pa dahil sa tugtog na nagmumula sa earphone ko.
Ang sarap bumiyahe kapag ganito dadaanan tahimik na mahangin tapos maganda pa ang pagsibol ng araw.
d>>_<<b
![](https://img.wattpad.com/cover/91926372-288-k858557.jpg)
BINABASA MO ANG
Bad-ass GIRL {editing}
ActionHello everyone! This book entitled The Bad-ass Girl and I as the writer of this book formally announcing that this book will be revising for a new one. To all my former readers please reread this new one but for now, please be patient because revisi...