Crystal's POV**
"Anong sasalihan mong sports ngayon dre?" Tanong ni John kay Matt.
"Varsity pa rin ako ng basketball." Simpleng sagot nito sabay kagat sa kinakain.
"Kayo ba anong sasalihan niyo?" Tanong ko sa tatlo.
"Siguro continue na lang yung pagiging varsity ng basketball." Sagot ni John at tumango naman ang magkambal.
"Anong!?" Napakunot ang noo ko ng biglang nagvibrate ang phone ko sa bulsa ng jacket. Lahat sila ay napatingin sakin kaya sumenyas ako at pinakita ang phone ko.
Binasa ko ang text na nagmula sa coach namin sa taekwondo.
For all the taekwondo varsity you will be having a meeting today at 2pm here in hapkido. Attendance is a must.
(A/N) Hapkido refers to a formal training hall. It is typically considered a formal gathering place for students of a martial art to conduct a training, examinations and other related encounters.
Pagakatapos kong mabasa iyon ay napatingin ako sa apat.
"Bakit?" Tanong ni John, napatingin naman ako sa wallclock at nakitang mag-a-alosdose na pala ng tanghali.
"May meeting kami ng 2 o'clock." Sabi ko at sila naman ang napatingin sa orasan.
"Magbibihis lang ako tapos alis na tayo." Sabi ko at agad na umakyat para magpalit ng damit.
Nagshort lang ako at jacket na walang zipper. Saka ako nagsuot ng kulay custard na sapatos terno sa kulay ng jacket ko. Dinala ko ang mga gamit na kakailangin at saka bumaba at nakitang wala na sila sa sala kaya dumiretso ako sa kusina.
"Manang kailangan ko ng umalis may biglaang meeting. Dadalin ko na lang iyan, tapos na ba?" Tanong ko, naabutan ko siyang gumagawa ng dessert.
"Nako, baka matagal pa ito. Gusto mo ba ay ipadala ko na lang sa school niyo?" Tanong niya.
"Nako manang wag na, kayo na lang po ang kumain ng iba pang kasambahay. Pano po aalis na ko." Pagpapaalam ko.
"Sige at mag-ingat ka. Salamat ija" Sabi niya, ngumiti naman ako at tuluyan ng lumabas.
"Tara tara" sabi ko at sumakay sa motor. Isa isa naman silang sumakay sa kani-kaniyang sasakyan.
"Hoy Crystal, wag kang makulit at sumunod ka lang samin." Nakaturong sabi ni Kurt at tanging pagtango lang ang sinagot ko.
Sinalpak ko muna ang earphone sa tenga ko at nagpatugtog ng kanta, nagsuot ng helmet saka pinainit muna ang motor at tuluyang umalis nang naglabasan sila. Nagsalute pa ako kay manong bago tuluyang umalis.
Habang nasa daan ay sinisilip silip pa nila ako sa pag-aakalang papatakbuhin ko ng mabilis ang motor. Napapangisi na lang ako saka ngumuso ng maangas. Paulit ulit kong tinataas baba ang ulo na tila sinasabayan ang ritmo ng kantang pinapakinggan.
Nang makapasok na kami ng tuluyan sa tagong daan ay sa kalagitnaan ay napreno ko ng pagkalakas lakas ang motor na kamuntikan kong itumba.
BINABASA MO ANG
Bad-ass GIRL {editing}
AçãoHello everyone! This book entitled The Bad-ass Girl and I as the writer of this book formally announcing that this book will be revising for a new one. To all my former readers please reread this new one but for now, please be patient because revisi...