Chapter 4

3.5K 64 2
                                    

Crystal's POV**

Nandito ako ngayon sa harap ng isang napakalaking puting gate. Bumisina ako ng tatlong beses.

Bumukas naman ang gate at agad kong pinaharurot ang sasakyan paloob. Makikita mo na puro puno ang nasa paligid ng mga daanan.

'Parang napanood ko na sa wrong turn. Waaaah'

Pinaharurot ko ang sasakyan hanggang sa may nakita akong arch na nakalagay ay Empire City.

Pinaandar ko ang sasakyan at nakita may ibat ibang klase na mga restaurant. May ibang buildings din.

'Para saan ang building may nagtatrabaho din dito na pang opisina?'

Kinuha ko ang phone ko at binuksan ang apps na tiga Empire City lang ang meron. Nang napaenroll ako ni Dad nun sabi niya tingnan ko daw ang gmail ko ay may isesend daw duon. At nang makita ko ay app to na mapa dito sa empire.

Pinindot ko na ito at para siyang GPS.

'Ayos haha'

Sinundan ko lang ang daan papunta sa nakalagay na Empire Academy.

Pagkadating ko dun ay may nakita na naman akong gate. At may arch na Empire Academy. So ang tawag dito sa labas City dito naman Academy. Tapos ang pangalan ng buong lugar ay Empire.

Muli akong bumusina at bumukas ang gate at may nakaabang na dalawang lalaki. Lumabas ako ng sasakyan at naglakad papunta sa kanila.

"Good morning Ms. Hart please let me take care of your car and staff" sabi nito. Tumango naman ako at binigay ang susi sa kanya.

Nagsimula na siyang maglakad, sinundan ko lang ito ng tingin.

"Ms. Hart please follow me. I'll take you to the Chairman's Office." Sabi nito. Tumango naman ako at sumunod sa kanya. Napunta kami sa isang lugar na puro bulaklak at mga halaman.

Pumasok siya sa loob ng isang puro salamin ang makikita, pinto pati na pader. Sumunod lang ako sa kanya sa loob. Pagpasok ko ay nakita ko ang lalaki na nakatayo sa gilid. Napatingin ako sa nakaupo na ngayon ay busy na nakatingin sa mga papel na nasa harap niya.

"Please take your seat" sabi niya ng hindi tumitingin sakin. Umupo naman akong tumitingin sa buong opisina niya.

"Ok Ms. Hart this is your schedule and key for your room." Sabi nito sabay tingin sakin.

Medyo napakunot ang noo niya ng makita niya ako.

"Di ko inaakalang.." Sabi nito na parang di talaga makapaniwala.

"Di inaakalang ano po?" Tanong ko.

"Wala wala" sabi nito at tinuon uli ang atensyon sa mga papel sa harap niya.

"O-ok, sige po mauuna na po ako salamat" sabi ko nakangiwing lumabas ng opisina niya.

"Ano yun? Inaakala? Ngayon lang nakakita ng maganda si Chairman hala hhahaha" natatawa na lang akong naglakad.

'Nakakaligaw dito ha'

Kung saan saan ako nagpunta hanggang sa makarating ako sa may magkakalapit na building. Napatingin ako sa papel na hawak ko at hinanap ang itsura ng building na pang dorm.

Napatingin ako sa isang building na kamukha ng nasa papel ko. Parang pang hotel ang datingan.

Nagpunta na ako duon at pumasok kaso hindi pinto na bukas sara kasi umiikot ikot.

Sumabay na ako sa pag ikot at nang tuluyan akong makapasok ay may nakita akong babae sa harap at agad naman akong nagpunta duon.

"Miss, I'm Crystal Hart" sabi ko.

"Ahh yes ma'am this is your additional key and your things are already in you suit." Sabi nito.

"Thank you" nakangiting usal ko. At nagpunta na sa elevator. At pinindot ang pang 6th floor. Nang tumunog ito at nagbukas ang pinto ay lumabas na ko at hinanap ang room ko.

Nang pagtingin ko sa kanan ay nakita ko ang bag at mga maleta ko sa labas ng isang room. Dumiretso ako duon ay nakitang nasa harap ito ng 325 na room. Agad kong binuksan ang pinto gamit ang susing hawak ko. Pumasok ako sa loob at nanlaki ang mata dahil sa nakita ko.

"Di naman sinabi sakin na kakatapos lang ng gera sa room ko." Nakasimangot na sabi ko. Nilibot ko ang paningin ko at napansin ko napakalaki ng lugar na to.

Parang pent house. Simpleng malaki ang kulay niya ay dirty white. Tapos may kurtina na brown na may desenyong bulaklak.

'Kung hindi magulo siguro mas maganda ang itsura'

Napabuntong hininga ako at dumiretso sa taas dahil alam kong nandun ang kwarto ko. Nakita ko ang isang pinto sa kaliwa na may nakasabit na pangalan, ito ay Valerie.

Siguro akin itong sa kanan. Dalawa nga pala sa isang room.

Pumasok na ako sa kwarto at inayos ang gamit ko. May dalawang pinto sa kanan at bintana ang sa kaliwa. Pumasok ako sa isang pinto at nakitang maliit lang na walk in closet. Pumasok ako duon ang mga maleta ko. Pagkatapos ay lumabas at pumasok sa isang pinto.

"Banyo" pumasok ako- may bowl, hinawi ko ang kurtina at may bathtub at shower sa taas.

Lumabas na ako at pabagsak na humiga sa kama.

Tumayo ako at nag push up nang bente para gisingin ang sarili. Pagkatapos ay dumiretso sa walkin closet at inayos na ang mga damit. Pagkatapos ay nilagay ko na rin ang mga pampacute ko sa vanity.

Mga pulbos at ibang mga pampaganda pero walang make up.

"Waaaaaaaaaah natapos diiiin" malakas na sigaw ko. At lumabas ng kwarto. Diretso ako at nagpunta sa kwarto ni karoommate at kumatok ng ilang beses.

"Wa tao" pinihit ko ang doorknob at di naman ito lock kaya binuksan ko ng kaunti. Pagtingin ko ay walang tao.

"Ayy kanina pa pala ako walang kasama e" nagkibit balikat na lang ako.

Tumingin tingin ako ng pwedeng iluto sa freezer at nakitang may mga karne doon at mga gulay. Kumpleto kung may gusto kang lutuin.

Napagdesisyunan kong mag adobo na lang dahil hindi naman ganun katagal magluto nito.

Pagkatapos nang ilang minuto ay naluto ito kaya agad na rin akong kumain. Hinugasan ko na ang pinagkainan ko at nilinis na rin ang kalat sa buong bahay. Kumuha ako ng sticky notes sa kwarto at sinulatan ito. Pagkatapos ay dinikit sa lamesa kung nasaan ang natirang adobo.

Roommate,
Nagluto ako ng ulam. Ikaw ng bahala kung gusto mo kumain.

Umakyat nako nahiga. Tomorrow is day. Hayy mahabang araw na naman. I closed my eyes and start to sleep.

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~••~•~~•
what a boring chapter? sorry guys im not in mood to write this pero pinilit ko na lang. May trankaso ee. Hahaha but hope you like it.

Bad-ass GIRL {editing}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon