Chapter 33

1.4K 32 0
                                    

Crystal's POV**

"Mamaya naman" i said at kinuha ang cellphone at nag-order ng makakain.

Umupo ako sa monoblock at tinaas ang paa sa table na nasa harap ko.

"Kailan mo ba balak tanggalin to Crystal?" Tanong sakin ni Jarson na ngayon ay nasa harap ko at binagsak pa ang kamay sa lamesa. Pero di ko siya sinagot at nginitian lang ng malaki.

"Pagkain" narinig kong sabi ni Raycee na nakaupo sa gilid at nakataas pa ang kamay na para bang may lalapag na pagkain sa harap niya maya-maya.

Ding** dong***

Pare-parehas kaming napatingin sa pinto nang biglang may nagdoorbell.

"Puntahan mo Raycee." Sabi ko, ngumuso naman siya sakin.

"Pag ako ang tumayo dito hindi ka makakatanggap nun." Sabi ko, bigla naman nanlaki ang mata niya at agad na tumakbo palabas. Siguro ay naintindihan niya na ang sinasabi ko.

"Yeeees pizza." Bungad niya pagkapasok niya ng pinto.

"Kainan naaaaa" nakangiting sabi nito na parang batang ngayon lang makakakain ng pizza. Pumunta siya sa pwesto namin ni Jarson at kumuha muna ng isang slice bago tuluyang ilapag sa lamesa.

"Nudge" pagtawag ko kay Nudge na naka open legs at inaabot ang mga daliri sa paa. Napahinto siya saglit at tumingin sakin.

"Kain" pag-aaya ko dito, ngumiti naman siya at tumayo saka naglakad papunta samin. Nahagip ng paningin ko si Jarson na nakasingkit ang mata na nakatingin kay Nudge na para bang pinag-aaralan ang bawat kilos nito.

Di ko na lang ito pinansin at kumuha ng para sakin at saka kinain ito.

"Anong oras na?" Tanong ni Raycee. Napatingin naman ako sa kanya sabay tingin sa cellphone ko na nasa drawer sa tabi ko.

"1:26" pagsagot ko, bigla namang nagbago ang expression ng mukha niya ng marinig ang oras.

"Peram phone." Sabi niya sabay nguso, tinaasan ko naman siya ng kaliwang kilay.

"Sige na please." Sabi niya at muling nagmakaawa.

"Why?" I asked.

"May pinapanood kasi ako kapag 1:30 ng thursday." Pagsagot niya at pinagdikit pa ang dalawang palad.

"Ano?" I asked again.

"One punch man" sabi niya sabay ngiti ng malaki.

"You want me to become one punch woman?" I asked, napangiwi naman siya at kumuha pa ng isang slice ng pizza at pumunta sa sulok.

'Isip bata kahit kailan.'

"I have a copy kumpleto until at the last episode." Sabi ko habang nakatingin sa dalawang box ng pizza.

'Ano bang masarap? With tomato or mushroom?'

"Talaga??" Malakas na sabi niya at agad na tumakbo palapit sakin. Tumango naman ako at kumuha ng may mushroom na pizza.

"Bibigay mo sakin?" Nakangiti pang tanong niya habang nakaluhod sa gilid ng lamesa.

"Anong bibigay? Nahihibang ka? Copy lang" sabi ko habang nilalagyan ng hot sauce ang kinakain.

"Talaga? Sige sige" excited na sabi niya na tumatango tango pa.

"Isip bata ka talaga dude." Sabi ni Nudge kay Raycee.

"Anong isip bata dun, e ang lupit ng anime na yun." Pagtatanggol ni Raycee sa anime niya.

"Tch" singhal ni Nudge na napairap pa at sabay kuha ng pizza.

Bad-ass GIRL {editing}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon