Crystal's POV***
"What happend ba kasi yesterday?" Pang-apat na beses na tanong ni Valerie sakin.
"Basta" sagot ko naman at pinagpatuloy ang pagkain.
"Baka naman naaksidente siya kahapon." Sabat naman ni Frea.
"Tsk" si Richelle yan.
"Baka naman kasi nakita niya si crush kahapon tapos halos mamatay na siya sa kilig." Nanlaki ang mata ko na napatingin kay Winter.
"What's with your reaction? Dont tell me it's true?" Takang tanong ni Valerie na nanlaki pa ang mata at nakaturo sa akin.
"Kasi ganito yun." Pagsisimula ko tapos ay napakamot pa sa baba ko.
"Ah, mayroon kasi akong crush." Pagkasabi ko nun ay nagtanguan sila. "Gwapo siya, matangkad matalino magaling kumanta tapos gentlemen, almost perfect."
Sabi ko habang tinuturo turo pa isa isa ang daliri ko.
"Tapos merong isang guy, kahapon kasama ko siya and" pinutol ko ito at napaturo sa dibdib ko.
"Ito oh, ito bigla na lang kumalabog. Kumalabog siya, feeling ko matutuluyan na ako." Paghihysterical ko pang sabi.
"Who is the guy?" Frea asked at napahawak pa sa baba niyang tumingin sa kisame saka bumaling sakin.
"B-basta, hindi niyo rin naman k-kilala." I said
"Ibig mong sabihin, kumekerengkeng ka, may crush ka na tapos may lablab ka pa." Si Winter yan.
"Ano?" Takang tanong ko.
"Kumekerengkeng, lumalande. Sows ka babaita. You are with him yesterday?" Tanong niya at tumaas taas pa ang kilay.
"Basta, kaya ayun nagtext ako kasi pakiramdam ko hihiwalay na to sa katawan ko." Sabi ko na muling tinuro ang dibdib.
"Dalawa raw kasi gusto mo e. Di niya raw kaya, kaya ayan lalabas." Sabi ni Frea na nakanguso pa.
"S-shut up!" I hissed.
"Maybe Crystal, you feel the word love towards that person." Nanlaki ang mata ko na napatingin kay Valerie.
"No way, impossible." I said.
'He loved someone else and maybe until now.'
Huminga ako ng malalim at pinagpatuloy na lang ang kinakain ko.
...
Ilang linggo ang lumipas, paulit-ulit lang ang ginagawa ko kada araw.
Pagkagising ay diretso na sa klase para sa buong araw pagkatapos ay sa hapkido para magtraining. Balik sa MabCon matutulog at muling gagawin ang nakaplano.
Yet every training I had Alex kept on mentioning that guy's name. Na parang may alam siya sa mga nangyayari sakin, sa mga ginagawa kong pag-iwas.
For everytime na pinapasok niya sa usapan ang lalaking yun pakiramdam ko ay nakamasid lang siya sa amin. Na para bang pagkabanggit ni Alex sa pangalan niya ay nasa tabi ko siya pero wala talaga. Ganito na ang nangyayari sakin, sa patuloy kong pag-iwas lalo kong naiisip, nasisiraan na ako ng bait.
BINABASA MO ANG
Bad-ass GIRL {editing}
ActionHello everyone! This book entitled The Bad-ass Girl and I as the writer of this book formally announcing that this book will be revising for a new one. To all my former readers please reread this new one but for now, please be patient because revisi...