"Hindi ka maaaring magsama ng iba." Nakangising usal niya sa akin."Anong ibig mong sabihin?" Kunot noo kong sambit. "Hayaan mo siyang sumama sa akin." Pagtukoy ko kay Han.
Matalim na tumingin naman siya kanan ko na agad ko ring sinundan ng tingin.
Agad na lumitaw ang ngisi ni Mr. Fuentes sa kanyang labi at saka tumingin sa akin.
"Walang problema" usal nito. Napakunot ako ng noo at tumingin kay Han. Napatingin din naman siya sa akin at tumango.
"Mauna na kayong lumabas." Usal ko, taka naman na tumingin sa akin si Mr. Fuentes saka napatango.
Nang makalabas siya kasama ang mga tauhan niya ay napatingin ako kila Jarson.
"Sasama kami" agad na bigkas ni Nudge, naglakad naman ako palapit sa kanila at nilagay ang kamay sa likod ni Nudge at ngumiti.
"Mali ako para idamay pa kayo. Huwag kayo mag-alala gagawin ko ang lahat para malaman ang nangyari sa pamilya niyo, at mabigyan hustisya ito." Nakangiting usal ko sa kanila.
"Pero" agad ko namang pinutol ang sasabihin niya. "Sige ganito, kapag nangailangan ako ng tulong kayo ang una kong tatawagan."
Tumango naman sila sa aking sinabi bilang pagsang-ayon. Napangiti namang ako't tumango rin saka mahinang tinapik ang mga likod nila.
Huminga muna ako nang malalim saka lumingon kay Han. Sumenyas naman siya sa akin na kami ay mauna na. Agad naman akong lumapit sa kanya saka naglakad palabas. Nang kami ay makalabas ay naruon naman ang mga tao ni Mr. Fuentes sa labas ng puting sasakyan, nagkatinginan pa muna kami ni Han saka naglakad palapit.
Nang makalapit kami ay binuksan naman ng isang tauhan ang pinto ng sasakyan, nang ihahakbang ko na ang aking paa papasok sa loob ay isang malakas na pagbomba ng motor ang aking narinig.
Lahat kami ay napatingin sa kaliwa kung saan ito nanggaling, at isang malakas na tunog din ng baril ang aking narinig na nagmula sa motor na iyon. Lahat kami ay agad na yumuko matapos na matumaba ang isang tauhan ni Mr. Fuentes.
"Ma'am, pumasok na po kayo, kami na ang bahala dito." Usal ng lalaki na kanina ay magbukas ng pinto. Agad naman akong tumango at hinila si Han papasok sa loob ng sasakyan. Nang kami ay makapasok ay agad din pag-andar ng sasakyan sa aming harap kung saan nakasakay si Mr. Fuentes na agad din namang pagsunod ng sasakyan namin.
"Ayos ka lang ba?" Tumango naman ako saka napatingin sa kanya. "Ayos lang" tugon ko.
Inilagay naman niya ang kanyang kaliwang braso pabalot sa aking balikat saka hinawakan ang kamay ko gamit ang kanan niyang kamay.
Parehas kaming tumingin sa labas at nakitang patungo kami sa lungsod.
"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sa dalawang tao na nasa harap.
Di naman sila sumagot at nanatiling nakatuon sa harap. Muli kaming nagkatinginan ni Han.
"Hindi ba dapat sa tagong lugar tayo pupunta. Bakit tayo nasa lungsod?" Tamang tanong ko kay Han, napakunot naman siya ng noo at muling tumingin sa labas.
"Sa ganuong paraan hindi sila matutunton. Dahil marami ang tao rito di nila maiisip na dito ang lunggaan ng mga kalaban nila." Agad naman akong napatango sa sinabi niya. Tama nga siguro siya, ang dapat na pagtaguan ay hindi sa tagong lugar kundi ay sa lugar na lahat ay may alam, sa lungsod kung saan ay lahat ay naruon.
"Dala mo ba ang phone mo?" Tanong ni Han. Agad naman akong umiling.
"May tracker iyon, para malaman nila matthew kung nasaan ako. Iniwan ko dahil mas mabuting wala silang alam sa mga-- saglit, anong, bakit dito tayo papunta?!" Gulat na tanong ko sa driver na inihablot ko pa ang kasuotan para tumingin sa akin.
"Bakit nandito tayo sa building ninyo?" Taka ring usal ni Han sa tabi ko. Binitawan ko naman ang damit ng driver nang ihinto niya ang sasakyan.
Napatingin naman ako sa harap kung nasaan si Mr. Fuentes. Agad akong lumabas ng sasakyan na sakto rin namang paglabas niya, agad akong lumapit sa kanya at itinuro ang paligid.
"What are we doing here?" Tanong ko ngunit ay nginisihan niya lamang ako saka sumenyas na sumunod. Nagtataka man ay para naman akong tangang sumunod sa kanya.
"Sa tingin ko naman ay may kaunting ideya ka na kung bakit tayo narito." Usal niya. Sasagot sana ako ngunit ay napahinto ako nang ilapat niya ang kanyang palad sa pader at kusa itong tumaas.
"Anong?!" Taka kong tanong. Lumingon sa akin si Mr. Fuentes at tinapik ang aking balikat saka mahinang ginalaw ang ulo senyas na kami ay pumasok sa loob.
Puno man ng pagtataka ang isip ko ay agad din akong sumunod sa kanya, taka takang iginala ang paningin, nang marinig ang tunog ng pagkuskos ng padee ay agad akong napalingon sa likod at nakitang nagsara na nga ang kanina naming pinasukan. Ngayon ay kaming tatlo at dalawang tauhan ni Mr. Fuentes ang magkakasama.
"What?! How in the wo--?! Ano ang ibig sabihin nito? What are we doing here in our company Mr. Fuentes?!"
Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba ang naiisip ko na kakampi ni Mr. Fuentes sila Mom, o baka ginigipit nila ang magulang ko. I don't know!
"Tal" malaki pa ang mata ko na napatingin ako kay Han nang tawagin niya ako.
"Calm down" he said. Alam kong dapat na huminahon ako pero when it comes talaga sa magulang matataranta ka. Napailing na lang ako sa sarili ko at tumango upang sang-ayunan ang sinabi ni Han.
Nang una ay madilim sa dinaanan namin na tila mga maliliit na ilaw lamang ang nagbibigay liwanag. Ngunit kalaunay sa patuloy naming pag-usad ay nakaabot din kami sa liwanag na kahit kailanman ay hindi pa nadapuan ng paningin ko sa lugar na ito.
Isa paring malaking pagtataka kung bakit narito kami, sa lugar kung saan ay kinalakihan ko na.
"Crystal anak." Hagulgol ng ina ko pagkapasok namin sa isang pintong salamin na kung saan hindi makikita sa labas ang mga nasa loob.
"Mom?" Usal ko nang mayakap niya ako.
"What is the meaning of this? Where's dad?" I asked nang makahiwalay siya sa pag-akap sa akin.
"I'm here sweetie" kunot noo akong napatingin sa kaliwa kung saan nanggaling ang boses.
"Dad? What is the meaning of this?" I asked as soon as he approached me.
"Are you okay anak, I heard na may nangyari on your way here?" Malambing na tanong ni mom na pinaikot pa ako upnag makita ang buong katawan ko. Tumango naman ako ng paulit ulit at hinila sila para makaupo sa sofa na naruon.
"I'm fine mom, dad, can you tell me what's happening? Kanina pa ako nalilito. I thought you're--" napahinto ako sa pagsasalita at tumingin sa kanila.
"You're what anak?" May lungkot sa boses na tanong ni mom.
"Patawad anak kung napakarami naming nilihim sa iyo." Usal naman ni dad.
Nang marinig iyon ay tila ba nabawasan ng maliit na tinik sa dibdib ko. Ngunit hangga't hindi pa nasasagot ang mga tanong sa isip ko, ang lahat ng bagay na nakikita ko, hindi pa rin mawawala ang pagdududa sa kanila.
"So can you tell me now. Ang lahat, lahat lahat?" I asked looking at their eyes. Nakangiting tumango naman sila pareho. Huminga ako ng malalim at tumingin kay Han.
Lumapit naman siya sa akin at nilagay ang magkabilang kamay sa balikat ko.
"Anak" bigla ay napatingin ako kay mom nang tawagin niya ako.
"Bago namin sabihin sayo ang lahat, you need first to meet someone." She said. Tapos ay lumapit si Dad sa kanya at hinawakan ang kamay niya.
"Sino mom?" I asked.
Dahan dahan niyang nilapit ang kamay niya sa kamay ko at nang maglapat ang mga palad namin ay huminga siya ng malalim saka tumingin ng diretso sa mga mata ko.
"Your biological father." She said with a tears falls down through her cheeks.
BINABASA MO ANG
Bad-ass GIRL {editing}
ActionHello everyone! This book entitled The Bad-ass Girl and I as the writer of this book formally announcing that this book will be revising for a new one. To all my former readers please reread this new one but for now, please be patient because revisi...