Crystal's POV***
"Miss?" Nakataas pa ang dalawang kilay kong inaantay ang sagot niya.
"W-wala" sagot ni Zach sabay iwas ng tingin. Sakto naman na pumasok ang kaninang nandito sa bahay.
"Saan kayo galing, umakyat lang ako saglit nawala na kayo?" Tanong ko pagkapasok nila. Huminga naman ng malalim si Jezy at pabagsak na naupo sa sofa.
"May pinuntahan kami saglit." Sagot ni Valerie sabay ngiti.
"Bakit namumugto ang mga mata niyo?" Tanong ko, tapos ay tumingin kay Zach pero nakatitig ito sa akin kaya agad akong nag-iwas ng mata.
"Meron kasing magandang balita na dumating." Sabi ni Frea at hinila ako papuntang kusina at nagsunuran naman ang lahat.
"Gusto ka sana naming imbitahin sa biyernes, birthday ni kuya Zach." Sabi ni Frea habang may ibang ngiti sa labi na nakatingin sakin sabay kindat kay Zach. Napatingin naman ako kay Zach at nakangiti ito ngayon na nakatingin sa lamesa.
"S-sige ba" sabi ko sabay tango.
"I will text you na lang the de--"
"No, susunduin ko siya" napatingin ako kay Zach at palihim na kinilig.
"Ayieee, ayan susunduin ka na raw niya." Kinikilig na sabi ni Frea sabay turo kay Zach.
"S-sige" pakiramdam ko ay namumula na ngayon ang buo kong mukha dahil sa kahihiyan.
'Lupa kailan ka bubuka?'
Habang nagkukwentuhan sila ay hindi ko matiis na tumingin tingin kay Zach na ganun din pala ang ginagawa.
"Uuwi na kami masyado na ring late." Bumalik lang ako sa wisyo nang magsalita si Alex kaya agad akong napatingin sa kanya na ngayon ay nakangiting nakatingin sakin.
"G-ganun ba? Sige mag-ingat kayo." Nakangiwing sabi ko.
"Hahaha para namang ang layo ng tinutuluyan namin niyan Crystal hahaha." Napanguso ako at niliitan ang ilong ko dahil sa narinig.
'Ano bang dapat sabihin!?'
Nakakainis kasing Zach nawawala ako sa wisyo dahil sa presensya niya.
"Haha pano alis na kami, Val" sabi niya sabay tango kila Valerie. Sumunod naman kaming apat hanggang pinto. Nang isasara ko na sana ang pinto ay biglang may kamay na humarang duon kaya agad ko itong binuksan.
"B-bakit?" Taka kong tanong kay Zach, napatingin pa ako sa tatlo at nakapunta na ito sa kusina.
"7 pm tomorrow, wear comfortable dress." Pagkasabi niya nun ay bigla na lang siyang tumalikod at umalis.
Kunot noo kong tiningnan ang likod niyang naglalakad ngayon palayo hanggang sa marinig muli ang kanina niyang sinabi sa utak ko.
7 pm tomorrow, wear comfortable dress.
7 pm tomorrow, wear comfortable dress.
7 pm tomorrow, wear comfortable dress.
7 pm tomorrow, wear comfortable dress.
"N-nag-aaya ba siya ng d-date?" Lumobo ang pisngi ko at napahawak dito at biglang tumili.
"Aaaaaaaaaaah, deeeeeeeyt" malakas na sigaw ko kaya naglabasan sila Winter.
BINABASA MO ANG
Bad-ass GIRL {editing}
БоевикHello everyone! This book entitled The Bad-ass Girl and I as the writer of this book formally announcing that this book will be revising for a new one. To all my former readers please reread this new one but for now, please be patient because revisi...