Crystal's POV***
Umabot ng umaga ng hindi man lang ako nakatulog dahil sa kakaisip. Huminga ako ng malalim bago dumiretso sa banyo at naligo.
Sa bawat pagpatak ng tubig sa katawan ko ay hindi ko maramdaman dahil tanging kaantukan ko lang ang nararamdaman ko.
Maaga pa naman para sa unang klase kaya agad akong nagdesisyon na lang na humiga muna sa bathtub at ipikit ang mata.
Matapos ang ilang minuto sa banyo ay agad din akong lumabas at nagbihis tapos ay bumaba para mag-almusal.
"Bakit may zombie dito?" Rinig kong tanong ni Winter na ngayon ay nasa harap ko at may hawak ng tasa ng kape. Hindi ko siya pinansin at kumuha ng sandwich na nakahilera sa lamesa.
"O kape para magising ang diwa." Sabi ni Richelle sabay lapag ng kape sa harap ko. Sinenyasan ko lang siya at pumikit habang kumakain.
"Ano bang nangyare? Bakit ganyan itsura mo? Dahil ba report niyo mamaya?" Bigla akong napadilat ng mata at napatingin kay Frea na ngayon ay sinasawsaw ang tinapay sa kape niya.
"Sheeeet" malakas na untad ko at agarang tumakbo paakyat.
"Bakit nakalimutan ko nang gawin toooo, aaaaish ang shonga shonga mo talaga Crystal. Inuuna mo pa ang lalaki kaysa sa pag-aaral." Inis akong nagpapapadyak habang kinukuha ang laptop at ang papel na pinagsulatan ko kahapon na impormasyong nakuha ko sa bibliotheca.
Agad din akong bumaba at nagtungo ng kusina. Tinabi ko pa muna ang kape sa gilid at nilagay sa harap ko ang laptop at papel.
"Di mo tapos yan, bakit puyat ka?" Napatingin ako kay Valerie at napakamot sa ulo.
"Ang ganda ko kasi." Sabi ko habang nagtitipa sa laptop.
"Right? Ang good good mo talaga kausap." Sabi niya at naupo sa bakanteng upuan. Napanguso naman ako at niliitan ang mata ko.
"Ah Frea pwede bang pakuha ng salamin ko sa bag sa kwarto." Sabi ko at muling binasa ang tinipa ko.
"Salamin mo sa bag sa kwarto, nice no problem." Natatawang sabi nito habang naglalakad paalis.
"Lemme see" sabi ni Valerie at pumwesto sa likod ko.
"Ow, for the research yan no? Bakit masydo namang maaga ang research niyo?" Tanong ni Valerie.
Bigla namang may nagdoorbell kaya lumabas si Winter ng kusina.
"Haha hindi presentation lang to, ewan basta ito ang na-assign sa akin." Sabi ko at napatingin kay Frea na bagong dating.
"Ite ne." Sabi nito sabay abot sakin.
"Alamaytski" sabi ko at ngumiti.
"May bisita ka Crystal." Napatingin ako sa bukana ng kusina at nakita duon si Matthew na seryosong nakatingin sa laptop, nang lumipat ang tingin niya sa akin ay ay bigla itong ngumiti at kumaway.
"Upo ka muna." Sabi ko, naupo naman siya sa kaliwa ko. Nakapwesto kasi ako ngayon sa pinakagitna. Katabi naman ni Matthew ay si Valerie.
"Ang aga mo namang bumwisita dito." Nakataas na kilay na sabi ni Valerie kay Matthew.
"Bakit masama ba?" Nakangising tanong nito.
"Kung iba ang bisita ayos lang kung you no, never magiging good" nakangisi ring sambit ni Valerie at umirap pa.
"Sorry, hindi ako bumibisita para sa hindi tao." Sagot naman ni Matthew.
"Ha! How dare you? Then what are you doing here?" Mataray na tanong ni Val.
BINABASA MO ANG
Bad-ass GIRL {editing}
ActionHello everyone! This book entitled The Bad-ass Girl and I as the writer of this book formally announcing that this book will be revising for a new one. To all my former readers please reread this new one but for now, please be patient because revisi...