Chapter 10

2.7K 52 4
                                        

Crystal's POV**

"May klase ako ngayon mauuna na ako sa inyo." Sabi ni Jezy na kakaway kaway habang lumalayo.

"Ikaw Crystal?" Baling sakin ni Alex.

"Mamaya pa nga akong alas dos e mag a-alas dose pa lang." Nakangusong sabi ko.

"Ganun ako mamaya pang 1:00 tara tambay muna tayo." Sabi niya sabay tingin sa harap. Tumingin din ako sa harap at napakunot ko ng noo dahil parang nakita ko yung lalaking nasapak ko.

'Si_ano nga ba pangalan nun!?'

"Zach, oy Zach" tawag ni Alex dun sa nakita ko.

d>>_<<b

'Zach pala name ni koya mong boy'

"Tara" sabi ni Alex at lakad takbong hinabol yung Zach. Pero naglakad lang akong sumunod.

"Walang kang klase ngayon?" Rinig kong tanong ni Alex.

"Mamaya pa" simpleng sagot nito. Nang makalapit ako ay napatingin pa siya sakin tapos kay Alex.

"Ikaw?" Kunot noong tanong nito.

"Baka gusto mong gawing, kayo? Hello tao rin ako, humihinga." Pagsingit ko.

"Di lahat ng humihinga tao." Mahina nitong usal. Nanlaki naman ang mata at napabuka ako ng bibig tapos ay napatingin kay Alex na tumatawa.

"Mamaya akong 1 itong si Crystal mamayang 2 pa" sagot na lamang ni Alex, sinenyasan pa ako na huwag na lamang pansinin.

Bigla ay napabalik naman ang tingin ko kay Zach na nauna ng maglakad.

"Tara" sabi ni Alex at sumunod kay Zach na yun.

Naglakad naman siya papunta sa isang shed na may paikot na lamesa at upuan na may nakasulat na Lounge sa taas, isang arch. Agad naman silang umupo dun kaya ganun na lang din ang ginawa ko.

"Kausapin mo nga ako at nababagot ako" bulong ko kay Alex na may kasama pang pagtapik.

d--,b

"Haha ano bang gusto mo pag usapan?" Natatawang bulong din nito. Kunyaring napaisip naman ako at saktong dumapo ang paningin dun sa Zach.

'Problema neto!?'

Napanguso naman akong nilakihan siya ng mata dahil nakatingin samin ito ng nakakatakot na akala mo may ginagawa kami na masama ni Alex.

"Wag na nga." Singhal ko at lumayo kay Alex.

"Haha bakit?" Natatawang tanong nito. Napatingin naman ako dun sa isa at nakitang nakrus ang mga kamay at masama pa ring nakatingin sakin.

"Tch, may saltik ba yang kasama mo?" Tanong ko kay Alex pero tawa lang ang sinagot niya sakin.

Bad-ass GIRL {editing}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon