Chapter 5

3.3K 70 4
                                    

Crystal's POV*

"Hahahahaha"

"Oo tama tama."

"Hahahahahahah"

Inis na bumangon ako sa pagkakahiga dahil sa tawanan na naririnig ko mula sa baba. Agad akong tumayo at inayos ang sarili ko at saka padabog na bumaba.

d>>_<<b

"Ano ba napakaingay niyo naman ang aga aga pa ah" inis na sigaw ko pagbukas ko palang ng pinto.

"Di ba kayo marunong mahiya kasi naman may natutulog pa sa taas ang ingay ingay niyo, ano ba akala niyo kayo lang tao dito. ABA!!!" isang mahabang litanya ko. Saka ako muling umakyat sa taas at nahiga. Pero sa akalang makakatulog ako uli ay hindi na nangyari.

"AAAAAAAAAH BWISIT" hinagis ko ang unan ko sa inis.

"Di ba nila alam na pagod ako. Ako pa naglinis ng buong bahay pagkatapos nilang dumihan tapos mag iingay pa sila nang ganito kaaga aba wala akong pasok ngayong maaga." Pag kausap ko sa sarili ko habang inaayos ang pampaligo ko.

"Nakakainis, nakakainis talaga. Wala ba silang sense of gratitude. Mga bwiseeeet" pinaghahahampas hampas ko ang tubig sa inis.

Natapos akong maligo at mag ayos sarili na hindi natanggal ang kunot sa noo.

Napagdesisyunan ko na lang na bumaba pagkatapos ng ginawa ko.

'Aba pakapalan na ng mukha, makapal din ang mukha nila.'

Pagkababa ko ay dire diretso akong nagpunta ng kusina ng hindi sila tinitingnan kahit na lahat sila ay nakatingin sakin ngayon.

Sa tingin ko ay nasa apat lang sila. Binuksan ko ang ref na patay malisya lang sa pagtingin nila. Kumuha ako ng bacon at egg. Pati na rin tinapay, pagkatapos ay niluto ko ang dalawa at pinalaman ito sa tinapay. Nakagawa ako ng tatlo at nilapag ito sa plato at kumuha rin ako ng gatas.

"Siya yun" rinig kong bulong sa likod ko.

"Huwag kayong magbubulungan na ang topic niyo ay nasa harapan niyo lang at naririnig pa kayo" sabi ko na hindi tumitingin sa kanila.

d-_-b

Kinuha ko na ang gatas ko at ang plato na may sandwich saka ito dinala sa kwarto.

Tumayo ako saglit at kinuha ko ang schedule sa cabinet ko at tiningnan toh.

'After lunch pa ang first subject ko'

"Ano namang gagawin ko dito. Tch" pabagsak kong binalik sa loob ng cabinet ang table ko at kinuha ang laptop ko at umupo sa kama.

Bad-ass GIRL {editing}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon