Chapter 35

1.4K 34 0
                                    

Nudge POV***

Alam ko naman na pansin ni Jarson ang mga kinikilos ko. Di ko naman gusto pero wala akong magawa, di ko maiwasan dahil kahawig talaga ni Crystal ang girlfriend ko.

Nakikita ko sa kanya siya, kahit na sobrang magkaiba sila sa kilos sa pananamit sa pagsasalita magkaibang magkaiba pero hindi pa rin maaalis na magkahawig sila.

"Hahahahahaha" muli na naman akong napatingin sa kanya at napaawang ang bibig.

"Raycee, wag mo idedelete to ha, bwahhahahahahahahahaha." hirap na sabi nito dahil sa sobrang tawa.

"Para kang--, para kang taong tabon bwahahahahahhaha" muli na naman niyang tawa.

"Ayos ka lang ba?" Agad akong napaiwas ng tingin at kunyaring kinukutkot ang kuko.

"Ayos lang" sagot ko kay Jarson.

"Kanina ka pa tahimik." Sabi niya, nagbuntong hininga naman ako at tumingin uli kay Crystal.

"Kahawig niya ba?" Tanong ni Jarson at tango lang ang sinagot ko.

"Magkaiba sila Nudge"

"Alam ko, pero di ko maiwasan." Sabi ko at tumingin sa kanya tapos ay kay Crystal. Tumayo naman siya at tinapik ako sa balikat.

"Di ko maiwasang makita siya sayo" sabi ko habang nakatingin kay Crystal.

Huminga ako ng malalim at tumayo pagkatapos ay patakbong lumapit sa kanila.

"Patingin nga" sabi ko pagkalapit ko at tumingin kay Crystal.

Crystal's POV**

"Wuhuy tulala ka na naman." Natatawang sabi ko kay Nudge habang winawagayway ang kamay ko sa harap ng mukha niya.

"Ahh, hahahaha" natatawa naman siyang napakamot sa batok.

Napailing naman akong tumayo at pumasok sa may banyo. Nagpalit ako ng sports bra at cycling, nagtali ng buhok at lumabas.

"Kung gusto niyong sumabay ilabas niyo na lang ang ibang punching bag nasa may loob lang." sabi ko habang naglalagay ng telang puti sa kamay.

Nagsimula na ako magstretching saka ko sinimulang suntukin ang malaking bag sa harap ko.

Pero bigla akong napahinto ng marinig ang paglagabag ng pinto at nakita silang kani-kaniyang dala ng punching bag at nagsimulang ibaba ang mga kadenang magdadala ng bag na iyon.

Napangiti ako at pinagpatuloy ang ginagawa ko.

Bigla kong naalala na mayroon pa pala akong taekwondo at hindi ko sigurado kung kailan ang simula ng training namin. Napahinto ako at napatingin sa kanila.

"Nudge" pagtawag ko rito.

"Bakit?" Tanong niya ng hindi nakatingin sakin. Matapos niyang maikabit ng tuluyan ang punching bag sa kadena ay tumingin siya sakin at bumaba sa upuang kinatutungtungan.

"Pwede mo ba akong tulungan?" Pagtanong ko sa kanya. Napakunot naman siya ng noo at lumapit sakin.

"Ano yun?" He also asked.

"Itetrain ko lang ang sipa ko. Tapos hawakan mo ito. Marunong ka naman siguro diba?" Tanong ko habang sinusundan niya ako papunta sa mga gamit ko.

Bad-ass GIRL {editing}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon