Crystal's POV**
"Mmmm, yamey haha ikaw di ka kakain. Hehe di pa ako nag aalmusal e." Pag kausap ko sa nilalang na nasa harap ko sabay subo ng pagkain ko.
"Tara kain kain" sabi ko pero tinanguan niya lang ako.
"Mabaho ba hininga mo? Sagutin mo naman ako."
"Bakit nanliligaw ka ba?" Nanlaki naman ang mata ko na napaangat ang tingin sa kanya.
"Kung sakali ba o-oo ka?" Nakangiti pang tanong ko.
Pero di siya nagsalita at nanatiling nakatingin sakin. Kinindatan ko naman siya at kumain ulit.
Patuloy lang ako sa pagkain hanggang sa napansin kong nakatingin siya sakin kanina pa.
"Ganda ko ba?" Pero di na naman siya sumagot at uminom lang ng tubig.
'Para na kong tanga sa totoo lang'
Binitawan ko ang kutsara't tinidor ko at nakapangalumbabang tumingin din sa kanya.
"Gwapo ka, magandang mata, parang pambabaeng pilikmata, maputi ka, makapal kilay na pinaka nagustuhan ko, attractive kaya yan. Tapos yang labi mo alam mo mapink. Tsk tsk habang tumatagal nagugustuhan kita" prangkang sabi ko sa kanya.
'Kaso baka ma-misunderstood niya haha'
Napahinto siya sa pag inom at saglit na napatingin sakin at binaba ang baso niya.
"Eat" sabi niya na may kasama pang senyas. Napataas na lang ako ng labi at inirapan siya.
'Abnoy ang lintik'
Di ko na talaga siya pinansin at kumain na lang ako. Pero alam ko na nakatingin lang siya sakin habang nakapang decuatro at nakacross ang mga braso.
'Nakakailang naman'
d-_-b
Natapos akong kumain ay nakatingin pa rin siya sakin.
"Baka naman matunaw ako niyan diba?" Inis kunyaring biro ko sa kanya.
"Mahulog ka niyan bahala ka walang sasalo" sabi ko uli.
"Hay nako tara na nga, dali" sabi ko at tumayo na. Tumayo din siya at sumunod sakin palabas.
Nang naramdaman kong nagvavibrate ang butt ko ay napahinto ako sa paglalakad kaya hinawakan ko sa braso si Zach at sinenyasan na sandali.
"Hello?" unregistered number kasi siya.
[Hello, Crystal si Alex to. Hiningi ko kay Frea yung number mo. Nasaan ka na? Kanina pa kita inaantay dito sa tapat ng room mo]

BINABASA MO ANG
Bad-ass GIRL {editing}
AksiHello everyone! This book entitled The Bad-ass Girl and I as the writer of this book formally announcing that this book will be revising for a new one. To all my former readers please reread this new one but for now, please be patient because revisi...