Chapter 41

1.4K 30 0
                                    

Crystal's POV***

"How's tito?" Valerie asked Richelle.

"He's good, pero sa bawat oras na lumilipas alam kong mas lalo siyang nangungulila." She said and looked at the empty plate in front of her.

"What do you mean?" I asked. Tumingin naman silang lahat sakin kaya nagtaka ako.

"Her dad lost his child." Winter answered while pointing Richelle.

"Sorry, hindi ko alam na nawawala ang kapatid mo." I said apologetically.

"No, she's isn't my sibling. Ampon lang ako ni dad pero pamangkin niya talaga ako. My parents died tapos siya na ang nag-ampon sa akin. So she is my cousin." She explained at napatango naman ako.

'Ampon'

Biglang kumirot ang puso ko ng bigkasin niya ang salitang iyon. Napangisi naman ako dahilan na taka silang tumingin sakin.

"Sorry, h-hindi ko kasi alam kung--" napahinto ako at napahawak sa noo ko. "Kung paniniwalaan ko bang a-ampon talaga ako." I said at saka ngumiti ng malungkot.

"M-may kinalaman ba to sa sinabi mo sa akin Crystal?" Napatingin ako kay Wayne at napatango.

"Oo" i answered. "Ibig mo bang sabihin bumalik na ang alaala mo?" Tanong nito na nanlalaki pa ang mata, pero bumagsak din ang balikat niya ng umiling ako.

"Y-yung panaginip ko, hindi pala siya panaginip lang talaga. Totoo pala siya." I said.

"P-paano?" Wayne asked maybe because of his curiosity. "Paanong paano?" I asked.

"Paano mo nalamang totoo?" He asked again.

"Yung tao sa panaginip ko nakita ko siya kanina at sinabi niya sa akin ang tungkol sa gabing iyon. Hindi ko naman sinabi sa kanya dahil hindi ko naman siya kilala. Kaya alam ko, alam kong alaala ito at hindi lang basta panaginip." I said at inangat ang tingin.

"Hahahah sorry agaw eksena ako. Balik na tayo kay Richelle." I said and smiled brightly. Napatingin naman ako sa lalaki sa harap ko na ngayon ay seryosong nakatingin sakin. Ngumiti naman ako at tumango pahiwatig na ayos lang ako. Kaya ngumiti na rin siya sakin at nawala na ang kunot sa noo.

Nang matapos ang mahabang kuwentuhan namin ay nauwi rin sa uwian ang lahat. Nagpaalam na kami sa isa't isa at dumiretso na sa kanya kanyang designated room.

"Matutulog na ako, good night." Valerie said bago ako nakapasok ng room ko, napatango naman ako at ni-locked ang pinto at pumasok na rin sa kwarto ko.

Binagsak ko ang sarili ko sa kama at pumikit. Bago ako tuluyang nakatulog ay napagtanto ko na kailangan ko ng makausap si Han.

Kinabukasan...

Ilang segundo na rin ang nakalipas ng dumating sila rito sa tinutuluyan namin ni Valerie.

"Ah sa kwarto lang muna ako Crys" sabi ni Valerie na tuluyan nang umalis.

"Anong ginagawa niyo rito?" I asked and crossed my arms in the table.

"Crystal" napatingin ako kay Kurt ng bigla niyang banggitin ang pangalan ko pero nanatiling tikom ang bibig ko.

"Sorry, I promise you, if everything is fine I will tell you no matter what." Dugtong nito habang nakatingin sa mata ko, hindi ako nagsalita at nanatiling nakatingin sa kanya ngunit siya rin kaagad ang nag-iwas ng tingin.

Bad-ass GIRL {editing}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon